CHAPTER 44

9.8K 204 1
                                    

"Ano ang kailangan mo samin?" tanong ko na parang kaibigan ko siya na may kailangan samin. Na parang hindi kami nakatali dito.

"Wala naman. I'm just adding my collections." She spread her arms at nilibot ang paningin.

"Nagustohan niyo ba, ma'am?" may malawak itong ngiti na parang isang psycho.

"Hindi. Creepy ng collections mo." Walang pag-aalinlagan mong sagot.

Nawala ang ngiti niya at sumama ang mukha niya sa sagot ko.

"Alam mo ba ma'am kung bakit kayo nandito? Dahil isa kayo sa kanila, I fell inlove with the two of you, extraordinary..." she looked at Happy at bumalik sakin. " Beautiful."

I scoffed.

"May asawa ako. Pasensya kana ha, bawi ka na lang next life." Napasinghap naman si Happy sa sinabi ko na parang pinalala ko lang ang sitwasyon namin dalawa.

"Ibibigay kita sa asawa mo... na walang balat." Sabi niya at humalakhak na parang bentang-benta ang joke na 'yon. Napalunok ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinakita sa kanya na natatakot ako. Hindi dapat ako magpaligoy-ligoy dahil may nakasalalay na buhay pag nagkamali.

May sakit siya sa utak. Halata iyon, obsessed siya sa mga bagay na kakaiba, kaya niya ako kinuha dahil tao ako na parang monika? Kaya niya kinuha si Happy dahil parang babae ito.

"Ma'am, ayoko pa mamatay." Naiiyak na sabi ni Happy.

"Ayoko rin mamatay, wag kang mag alala, ayaw niya rin mamatay."

Ayaw naming mamatay, hindi niya ako papatayin dahil papatayin ko rin siya kung ganon. Putangina ang tanga ko talaga.

"Simulan na natin."

Pumunta ito sa gilid at hinila ang malaking lamesa papunta sa gitna, meron apat na parang tali para sa kamay at paa namin.

Kakalasin niya ang mga tali namin, kaya may pagkakataon ako na kunin ang baril niya, but Shena is a psycho and obsessed person, lalaban siya.

Pero wala itong alam sa paglalaban, aagawin niya lang ang baril, basic moves. Kaya dapat mabaril ko na ang paa niya pag nakuha ko ang ang baril, babarilin ko pagkatapos ang mukha ng putangina niya!

"Sino mauuna?" May mga dugo ang ang lamesa pero wala na akong peke doon.

"Ako!" sagot ko.

Ngumiti ito at nilagay ang gunting sa table at baril sa likod niya.

"Kaya gusto kita ma'am, eh."

Lumapit ito sakin at hinubad ang tali sa isnag kamay ko, hindi pa ako gumawa. Alam kong naisip niya ma gagawa ako ng aksyon. Nahubad na niya ang dalawang tali sa kamay ko.

Umupo ito sa harap ko para hubarin ang tali sa paa ko. Nang naramdaman ko nang lumuwag ang tali ay agad kong kinuha ang baril sa likod niya at bago ko siya masipa kaya nasuntok na niya ang tiyan ko. I grunt and kicked her.

Fuck!

My tummy.

Napahimas ako sa tiyan ko habang tinututok ang baril sa kanya.

"Ma'am, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Happy. Tumango ako at agad na binaril ang paa ni Shena ng tinangka niyang umalis.

Napahiyaw ito sa sakit.

"Happy umalis kana dito." Agad na hinubad ni Happy ang tali sa kamay niya ay paa.

Maluwag na iyon kanina, kaya alam ko rin unti-unti niyang niluluwagan, kaya ko kinuha ang atensyon ni Shena para hindi niya makita ang galaw ni Happy.

THE BEAST ONLY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon