CHAPTER 33

10.2K 217 3
                                    

Kinabukasan ay nahulog ako sa kama at tarantang pumasok sa cr para sumuka, sumuka ako sa inidoro. Nahihilo ako. Napaupo ako sa sahig habang hinihilot ang ulo.

Nagmumug agad ako at naghilamos. Lumabas ako at tulog parin si Hades, natawa naman ako ng kinapa niya ang pwesto ko at nang naramdaman niyang wala ako at napabangon ito.

"Wife?" He called using his bedroom voice. His eyes are not fully open yet, adorable. Napalingon siya sa pwesto ko at doon na siya nakahinga ng maluwag at bumango narin para pumasok sa trabaho.

Dahil nga wala kaming magawa ay pumunta kami sa condo ni Angela, restday daw niya ngayon tapos tinawagan ko rin Tanya na pumunta dito, buti na lang vacant raw nila ngayong araw,

Good timing talaga ako palagi.

Masaya namang naglalaro ang mga bata sa computer ni Angela, gamer kasi ampota ewan ko kung anong laro, basta hindi ml, bobo non eh.

"Tagala kinaladkad mo?" Manghang tanong ni Tanya.

Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari kagabi, syempre mga ultimate marites rin naman sila. Mga kalahi ko ata 'to men.

"Ay hindi, Yshera. Binalibag ko siya." Bara ko. Inirapan niya lamang ako.

"She's so makapal ha," komento ni Angela. Alam ko iyon.

"Kamusta na si Esabella at Yucci?"

"Magtatapos na sila sa korso nila at ikaw pumunta kana sa Europe dahil sayang yung pagaaral mo, nako ang aga mong mag-asawa. Kaya kabang buhayin non? May maayos ba siyang trabaho?" lumabas na naman ang pagka nanay ni Tanya.

"Gusto isa-isahin mo sayo ang trabaho niya? Wag na baka mapuno ko ang bank account mo." Pagmamayabang ko.

"Yabang mo palamunin kalang naman." Napahalakhak naman si Angela sa sinabi ni Tanya. Akmang sasabunutan ko si Tanya pero nilayo ako ni Angela sa kanya.

"Pikon." Pangaasar ni Angela.

"Kamusta ang main Org?" Pangiiba ng usapan ni Tanya.

"Malay ko nasa Europe ba ako ngayon." Ako na naman ngayon ang umirap sa kanya.

"Wala bang cellphone sa planeta niyo?"

"Hindi ko kabisado ang number nila."

"Hindi ko na kasalanan iyon."

"Edi wag kang mag tanong." Inis kong sigaw.

"Okay lang sila doon." Sagot ni Angela. Ito rin ang isang 'to alam naman pala ang tagal pa sumagot, mahina ba signal sa kanya?

"Kamusta iyong mga property na binigay ni Esang sa inyo." Tanong ko. Kumibit balikat sila kaya binatukan ko sila isa isa. Umangal pa sila. Aba! Papatol pa ah.

"Sayo kamusta?" tanong ni Tanya.

"Ewan ko, sila ang tanungin mo."

"Paano ko malalaman eh nandito ako."

"Oh diba, bakit mo ako tinatanong, eh pareho lang naman tayo."

"Ikaw ang may-ari, syempre ikaw ang ta-tanongin."

"Paano ko nga malalaman eh nandito ako! Nakakainis kana ha! Ano ba ang problema mo kanina kapa! Naghahanap kaba ng gulo?! Ano gusto mo suntukan patayan, barilan, saksakan?! Ano sabihin mo!" Napatayo ako ako dahil sa inis.

Mukha itong punong puno na sakin, inaano ko ba siya? Sumagot lang naman ako ng tanong niya ah.

"Wala ka talang kwentang kausap."

THE BEAST ONLY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon