Ano bang problema mo?” singhal ko.
Binitawan niya ang kamay ko nang bumungad na sa amin ang aming sasakyan. Agad kumaway si Mang Kulas at ngumiti.
“Kapag uwian, uwian! hindi landian.” aniya sabay lahad sa bag ko.
Mabilis ko itong kinuha at isinuot. “Ano bang paki mo? Manliligaw ko si Vim! siya dapat ang nandito.”
Tumawa lang siya at umiling. “Fuck, Monica! magpakipot ka naman.”
Inirapan ko lang siya at pumasok na ako sa front seat. Bwesit! another moment passed. Tsssk.
“Monica ba't ngayon ka lang?” bungad ni Mommy sakin habang nasa tainga ang telepono.
Mabilis akong nagmano sa kanya at linapag ko ang aking mga gamit. “Anong meron, Mom?”
“Inasikaso ko ang venue sa debut mo.” aniya habang nakatutok parin ang mga mata sa telepono.
Nasapo ko ang aking noo. Oo nga pala malapit na pala yun.
“May naisip kana bang theme?” seryoso niyang tanong.
Nagkamot ako ng ulo. “Meron bang ganon?”
Natigil si Mommy sa kanyang ginagawa at nag angat ng tingin. “Of course, hija.”
Ano kayang magandang theme? hindi naman ako mahilig sa ganon. Basta ba may 18 roses lang ako eh, ayos na yun. Aminadong perfectionist ako pero pagdating sa party wala akong pakialam don. Ayos lang kahit ano.
“Are you doing something?” she asked.
Mabilis kong itinago ang libro ko sa aking likod. “Nothing, Mom.”
“Alright! let's go. Mag babake tayo.” ngumisi siya at kinaladkad na ako sa kusina.
“Mom."
The last time I baked I'm not satisfied with the result. That's why I lost my interest now. Parang hangin lang ang sinabi ko at linapag na niya ang mga kakailanganing mga gamit. Pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa habang nakapalumbaba.
Nabulabog ang panonood ko nang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako nang makita kung sino ang tumatawag. Pinatay ko ito at ibinalik ko ang mga mata kay Mommy na ngayon ay nagawa pang kumembot habang nagbabake.
“Mom, wala ka bang balak gawing business to?” seryoso kong tanong.
Napawi ang ngiti niya at nanliit ang mga mata. “I'm a nurse, honey. I'm not into business.”
Natigilan ako nang tumunog ulit ang cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa at nagsalubong agad ang aking dalawang kilay. Nanaman? bored ba siya? nagawa ko pang umirap bago ko ito sinagot.
“What?” bungad ko.
“Bingi ka ba?” singhal ni Qing.
“Hindi. Ayoko lang talaga sayo.” saad ko.
“Puntahan mo ako ngayon.” pag uutos niya.
Wow ha? Parang alipin lang ah?
“Ayoko. Bakit ba?” tumaas na ang boses ko.
“Tumigil ka, hindi ako bingi.” matigas niyang sinabi.
“Ayoko! may ginagawa ako.” sabi ko at pinatay ko na ang tawag.
Tapos ng mag bake si Mommy at maligaya niyang nilahad sakin ang dalawang cake. Una kong tinikman ang chocolate & chili cake with coffee cream icing. Napapikit ako sa sayang nararamdaman ng aking dila.
“Did you like it?” maligaya niyang tanong sabay punas sa gilid ng labi ko.
“Always, Mom.” I smiled.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...