Kabanata 10

13 2 0
                                    

“Noelle, may bisita ka.” si Mommy.

Hindi ako sumagot. Ilang sandali ay narinig ko nalang na bumukas ang pinto. Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang tumatalon ang puso ko.

“Monica, wake up!” ani Mommy sabay yugyog sakin.

“Pauwiin mo si Qing, Mom. Tell him I'm not feeling well.” saad ko.

“Why? are you sick? Tsaka, papano mo nalamang nandito siya?" May pag alala sa kanyang boses.

“Yeah. Ah, kasi sinabi ni Theo." mahina kong tugon.

“Alright you rest.” marahan niyang tinapik ang aking ulo bago umalis.

Pagkahawi ko ng comforter ay may namuong butil ng pawis sa noo ko. Hooh! pinagpawisan yata ako sa pagsisinunggaling ko. Kitang may sakit e! pipipilitin pa talaga akong pumunta sa bahay niya! Binuhay ko ang cellphone ko at napa kagat labi ako nang makita kong may mensahe si Vim sakin.

Vim

Can we talk?

Lord ito na ba yun? magtatapat na ba siya sakin? narealize niya bang.. gusto niya rin ako all these years? nangyayari ba talaga to? Halos sampalin ko na ang sarili ko.

Ako 

Sure, about what?

Vim

I guess, it's way better if we talk personally.

Ay, true! Ayoko sa lalaking sa telepono lang mag co-confess ng feelings! Nakakababa ng pagka lalake!

Ako

Sure! where?

Vim

Sunshine Park.

Maligaya akong naghanap ng maisusuot sa walk in closet ko. Ito na yata ang pinaka matagal na oras na aking pinalipas sa pag iisip. Parang mas madali ko pang tapusin ang exam kaysa dito ah. Kung mag co-confess siya sakin ngayon malamang ngayon ang magiging first date namin! di nagtagal ay napag pasyahan kong isuot ang isang white off shoulder at isang faded ripped jeans. Pinili ko ring isuot ang paborito kong silver pumps.

Di nagtagal ay dumako naman ako sa mukha ko. Ibinaba ko ang aking malaking eye glasses at isinuot ko ang aking contact lens, clear lang ito. Walang kahit anong kulay. Kaya kung pagmamasdan parang natural ko parin itong mga mata. Itinali ko ang aking makintab na buhok para mabigyan ng sapat na atensyon ang nakasilip kong collarbone. Naglagay lang ako ng powder sa mukha ko at pulang lipstick sa labi.

Sobrang simple lang ng ayos na ito kumpara sa ginawa ni Isabela sa mukha ko noon. Pero naniniwala akong simplicity truly stands out in mysterious ways. Pagkababa ko ay muntik nang sumuko ang takong ko nang makita ko ang galit sa mga mata ni Qing. Sabay ring kumaway sina Trisha at Maica sakin habang nakabuka naman ang bibig ni Theo habang nakatingin sakin.

“Where the hell are you going?” panimula ni Qing.

Sunshine park? Huhu. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bakit sila nandito? Si Qing lang yung nandito kanina ah? nahulog yata ako sa sarili kong patibong!

“Uhhh. M-May i-importante lang akong pu-puntahan.” I stuttered.

“Saan?” matigas niyang tanong habang lumalakad palapit sakin.

May kung ano akong naramdaman sa puso habang nakatitig sa kanyang mga mata. Para akong musmos na nag iisip ng rason para payagang umalis. Kahit sa parents ko hindi ako nakaramdam ng ganito, ngunit heto ako ngayon nangangapa ng tamang mga salita.

“Its none of-

hindi ko na natapos dahil naramdaman ko na ang mainit niyang palad na dumampi sa noo ko.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now