I laughed hysterically. "What are you talking about? Her mom is damn married! Stop this accusations!"
Her eyes started to water she begin to wipe her own tears without looking at me.
"Sana nga mali ako Señorito. Sana nga hindi totoo ang lahat ng nalaman ko! Kung hindi lingid saiyong kaalaman kami ni Estelita ay sabay na lumaki at nagdalaga bago pa kami nawala'y sa isa't isa. Si Estelita ang unang minahal ni Enrico at nasaksihan ko ang kanilang pagmamahalan hanggang sa sila ay ikinasal."
I was about to leave the house to see Monica but then this woman made a scene so let me just give her a chance to be heard. She's been with me at all times acting like my second mother so a couple of minutes won't hurt.
"Ang iyong ama ay nagmula lamang sa isang simpleng pamilya. Kung hindi mo naitatanong ay sabay kaming nanilbihan sa pamilya ng iyong ina. Oo kami ni Enrico ay mahirap lamang hirap pang makakain sa isang araw. Isang kahig isang tuka ika nga nila. Ano ba naman ang kita ng isang magsasaka? Gayung ikinasal sila ay napakasaya ko." She smiled.
"Napakasaya naming lahat dahil hindi nila inalintana ang panghuhusga ng mga tao sa kabila ng kanilang estado sa buhay." She continued.
I cannot imagine how my Dad fights for my mom. If that's the case why he was involved in cheating? I am sick of this story!
"Nasaksihan ko kung paano nabuo ang pagmamahalan ng iyong mga magulang at sa hindi inaasahang pagkakataon naaksidente ang iyong ama dahilan ng pagkalimot niya kay Estelita! Labis na gumuho ang mundo niya lalo na nang malaman niyang nagdadalang tao siya at hindi man lang siya makilala ni Enrico!"
I swallowed hard. I am more than interested to know on how they ended up together. It seems like this woman knows everything.
"But he still chose my mom. Betty.."
Hinilot ko ang aking sentido.
"I thank you for telling me the whole story but that was in the past. They both have their married life-
Her lips was shaking. "Itinago iyon ng iyong ina ng ilang buwan at sinikap parin niyang ipaalala ang lahat kay Enrico. Ngunit isang araw nalaman nalang niyang may bago ng sinisinta ang iyong ama at yun ay si Susana. Isang kilalang nars sa aming baryo. Nagmula siya sa angkan ng mga doktor isa siya sa tumulong kay Enrico para ibalik ang kanyang nawalang memorya pero iba pala ang pakay niya! Nilandi at inagaw niya si Enrico kahit alam niya mismong nagdadalang tao si Estelita at si Enrico ang ama!"
I felt like my heart was hit by a bullet. I was about to stop her because I cannot bear to hear my mother's misery.
"Hindi ko lubos maisip kung paano kinaya ni Estelita ang lahat. Kung paano siya nakakatulog sa gabi habang iniisip na mahimbing na natutulog si Enrico sa ibang kama. Kung tutuusin siya ang unang minahal at pinangakoan. Ilang beses nagmakaawa si Estelita kay Susana na sana ay itigil na niya ang pakikipag relasyon kay Enrico alang alang sa kapakanan mo. Pero hindi niya ginawa! Ipinagyabang niya pang ikakasal na sila!"
Kumuyom ang aking kamao. I wonder who comforts my mother during that time? This is killing me! Again, I was speechless my heart is bleeding imagining my mom crying alone. Questioning her worth while my Dad slept with another woman. Her night was cold it was like a nightmare. Damn!
"Stop right there."
Her eyes started to water. She reach for my arms trying to beg to hear her out.
"Makinig ka.. kailangan mong malaman ang lahat ng ito. Alam mo bang kahit hindi parin maalala ni Enrico kung ano mang meron sila ni Estelita.. noong araw na sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ng iyong ina.. hindi siya nagdalawang isip na iwan si Susana at piliin kayo. Pinakasalan niya ang iyong ina at naging mabuti siyang ama saiyo." She continued.
I laughed. "Mabuting ama? I don't need a good father! What I want is a good husband to my mother because the way a husband treat his wife reflects on how he take care of his son."
She nodded. "Alam kong may hinanakit ka parin saiyong ama pero maniwala ka sa akin, Señorito. Hindi man siya naging perpektong asawa masasabi ko namang sinusubukan niya araw araw na maging mabuting ama saiyo. Hindi mo pa iyon nakikita sa ngayon pero balang araw makikita mo rin ang lahat ng isinakripisyo niya para sayo."
I shook my head. Whatever advice people gave me about my father I didn't get it.
"Ang akala ko babalik na sa dati ang lahat simula noong ikinasal ang mga magulang mo. Pero mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Ilang taon lang ang lumipas nalaman ni Estelita na palihim palang nagkikita sina Enrico at Susana. Doon na siya nasiraan ng bait kahit naman siguro ako sa sitwasyon niya ganon rin ang mangyayari sakin. Hanggang ngayon Señorito.. gayung wala na si Estelita.. sila parin ni Susana." Her voice was broken.
Agad kong nasuntok ang pader. For several years I was searching for an answer behind my mother's suicide. I went out so I can breath. Pinaharurot ko ang aking motor. I just want to travel and not coming back.
From that day I stop seeing Monica without leaving a word. Alam kong pinakilig ko siya kahapon but I guess that is the only thing I'm good at. For now I can't afford to see her after I knew everything. I don't want to be like my Dad. Yeah, I'm a certified jerk but atleast I'm not a cheater and I will never be.
"How is it going? May isang taong nangungumusta sayo." Theo said on the other line.
I was holding a bottle of wine. My room is dark quiet and miserable. Para akong bumalik sa nagdaang taon. Yung mga panahong kakamatay lang ni Mommy.
I sighed. "Ayos lang ako."
"Anong balak mo kay Monica? Ang tagal mong hindi nagpakita ah. Is there a problem?" This asshole sounds worried.
I laughed. "What about her? Bakit ko pa siya pro-problemahin kung ayaw naman niya sakin?"
Whenever we talk he always ask about my plans in pursuing his cousin. I don't know what to say. I just feel empty. Ilang dekada na ang lumipas pero hindi parin ako nakakaahon. Gayung alam ko na ang sagot sa tanong na matagal ko ng hinahanap.. mas lalo lang akong nanghina.
Hindi mo mararamdaman kung gaano kasakit mawalan ng minamahal.. kung hindi mo pa ito naranasan.
I was gone for almost a year without leaving a word for Monica. I have confronted my father about it but he didn't gave me an answer. He always denies his affair with his other woman at pinag awayan nila ni Betty iyon. May gana siyang sermonan ako araw araw pero wala siyang maibigay na sagot sakin.
But one day, out of nowhere I tried to lock myself in my Dad's room trying to investigate. This is the first time I have notice that he has a 60's classic style room. His study table is full of books and paper works. I have also read the letter from his supporters trying to thank him for doing good things. Especially helping them financially.
I can say that my Dad can relate to their situation since he came from a simple family. Despite the relationship we have I can say that he is a good public servant but not a good husband at all. I opened his cabinet and as a surprise I found a bucket of letters. Nakalagay ito sa isang lumang box. I was stunned for a moment. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakakita ako ng lumang papel. Manipis ito at naninilaw na.
Mahal kong Enrico,
Hindi ko akalaing hanggang ngayon ika'y naroon parin sa aking isipan. Gusto ko mang ipagsigawan sa mundo na ikaw ay mahal ko ngunit ipagpatawad mo sapagkat alam nating dalawa na hindi ito maaari. Sa lahat ng bagyo at dilim na pinagdaanan ko.. nananatiling ikaw ang nasa puso ko. Lumipas man ang ilang dekada ikaw parin ang minamahal at mamahalin ko. Kahit sinasabi ng ating mundo na imposible at wala ng pag asa.. aking ipinagdarasal sa araw araw na dumating ang isang araw na magkasama tayong punan ang ilang taong ipinagkait satin ng tadhana. Tayo'y maglumpasay sa ulan, tumakbo at sabay nating lisanin ang mundo.
Lubos na nagmamahal,
SusanaI rolled my eyes. She just confirmed it! Damn it!
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...