Halos pumipikit parin ako habang naglalakad. Grabe! Hindi ako makapaniwalang napuyat ako sa maling tao. Ni hindi na ako nakatulog kakaisip sa kanya. Yuck! Nandidiri na ako sa sarili ko!
"Noelle!" Si Mommy na ngayon ay abala sa kitchen.
Tumango lang ako at umupo sa table. Nagsalin ako ng tubig sa pag asang mahimasmasan na sa aking kabaliwan. #CrazyInLove.
"Kunin mo itong listahan at magpahatid kana kay Mang Kulas." She commanded.
Nasapo ko ang aking noo. "Mom, hindi ba't trabaho ito ni Manang Lucia?"
She crossed her arms. "May karamdaman si Manang, tiyak kong may lagnat siya ngayon. Kaya ikaw na muna ang mag grocery ngayon."
Sinuri ko ang kanyang inilahad na listahan. Parang supply na namin to sa buong taon ah.
"Mom, puyat ako."
Pinandilatan niya lang ako. Fine!
Pagkarating ko sa grocery store ay kaagad ko ng hinanap ang mga supply na nasa listahan.
8 tomato sauce
7 bottles of ketchupNatigil ako sa aking pagbabasa nang marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran.
"Diyos ko! Naiwan ko ang listahan!"
Sinundan ko ang boses na iyon at kaagad kong naaninag ang dismayadong mukha ni Betty. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto nang napagtantong magkatulad ng style ang aming damit.
Naka maong long skirt siya at isang floral blouse, naka flat sandals lang din siya katulad ko. Ngayon ko lang napagtanto na old fashioned nga ang mga damit ko. Mukhang iisang brand lang din ang suot namin. Gosh!
Ngumisi ako at kaagad siyang dinaluhan. "Ikaw pala, Betty."
Ang kaninang dismayado niyang mukha ay naging sing pait na ng kape. Kumunot ang aking noo. Nakakapanibago, noon sa tuwing nakikita niya ako o magkakasalubong kami kahit saan palagi siyang ngumingiti sakin. Hindi niya talaga mapigilang pansinin ako. Pero ngayon parang ayaw na niyang makita ako.
"Mukhang nakalimutan mo yatang dalhin ang listahan mo. Don't worry, tutulungan kita." I smiled.
Isang sandali parin siyang naging tahimik at hindi makatingin sakin. Inilipat ko ang aking paningin sa isang matandang lalaki na ngayon ay papalapit sa amin.
"Heto na, Beatris. Tumatanda na talaga tayo." He laughed.
Tinanggap ni Betty ang papel na inilahad ng matanda. "Huwag mo akong idamay sa katandaan mo."
Tumawa ang lalaki ngunit agad na napawi ang kanyang ngisi nang makita ako. "Ikaw pala, Mam."
Sa pagkakaalam ko siya ang personal na driver ni Mr. Avelardo. Matanda na siya ngunit malusog parin ang pangangatawan.
Hindi pa ako nakapagsalita ay tinalikuran na ako ni Betty.
"Bumalik kana sa trabaho. Huwag kanang magsayang pa ng oras sa mga hindi mahalagang bagay." Si Betty.
Nanigas ako. Parang nag ugat na ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Habang dinadaan daanan lang ako ni Betty. Bahagya akong nakaramdam ng hiya nang ilang beses ko siyang tawagin pero ni paglingon sa akin ay hindi na niya ginawa.
Hindi ko na alam kung nagawa ko bang bilhin lahat ng pinapabili ni Mommy. Parang naiwala ko na ang utak ko sa kirot na nararamdaman ng puso ko. Namuo ang luha sa aking mga mata. Ang sakit kasi.. Minsan na kaming naging magkaibigan at naging parte narin siya ng buhay ko.
Pero pakiramdam ko.. Kahit isang beses hindi ako naging parte ng buhay niya. Siguro yun lang ang tingin niya sakin, isang bisita. ISA LAMANG BISITA.
Binuksan ko ang bintana at pumangalumbaba sa aking study table. Ngayong gabi, wala akong maaninag na buwan at bituin. Gusto ko silang makita pero parang ayaw naman nilang magpakita. Tunay ngang wala na tayong magagawa kung ayaw na ng tao sa atin.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
عاطفيةNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...