Kabanata 45

18 1 0
                                    

"Monica! Wake up! Fuck!"

Napaubo ako. Kahit malabo parin ang paningin ko ay alam ko kung sino itong nasa harapan ko. Pulang pula ang kanyang buong mukha at dibdib. Nababakas ang pag aalala sa kanyang mga mata.

"Qing?" Mahina kong tanong.

Hindi parin ako makapaniwala na buhay pa ako. Napabangon ako at nagpatuloy sa pag ubo. Isinuka ko rin ang maraming tubig kanina. Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng dahan dahan niyang hinimas ang aking balikat.

Napapalibutan kami ng napakaraming taon ngayon pero ni isa walang nangahas na lumapit sa amin. Nang mag tama ang aming mga mata ni Qing ay sinuklian niya ang aking titig ng buong puso halos hindi na siya kumukurap. Naka topless parin siya at nahuhulog ang ilang butil ng tubig galing sa kanyang noo at buhok.

"How are you feeling?" He asked in a serious tone.

Hindi ako sumagot pinanood ko lang siyang sinuri ang aking mga braso at binti. Nang napagtantong wala naman akong sugat ay tsaka niya palang binalikan ang aking mga mata.

"Sumagot ka. May masakit ba sayo?" He asked desperately.

Nag angat ako ng tingin. "Kapag ba sinabi kong hindi ako okay may magagawa ka? Oo meron. May masakit sakin sa sobrang sakit gusto ko ng mamatay."

Nanlaki ang kanyang mga mata at hinilot ang kanyang sentido.

"Magpapakamatay ka dahil sa problema? Sino bang nanakit sayo?" Tumaas ng bahagya ang kanyang boses.

Matapang ko siyang tinitigan. Wala ka bang idea na hanggang ngayon ay iniisip parin kita? Tang ina! Ayokong maghabol sayo e! Pero parang hinahamon mo ko!

"Malalaman mo rin." Mahina kong tugon.

Inalalayan niya akong tumayo at maglakad patungo sa bakanteng sofa. Pansin kong pabalik na kami ng Hotel. Nang makaupo ako ay umupo din siya sa tabi ko. Inabala niya ang sariling punasan ang kanyang mamasa masang buhok.

"Ako na." Panimula ko.

Nagtagal ang kanyang mga mata sa akin. Mukhang hindi niya ako gets.

"Ang sabi ko ako na! Tulungan na kita." Pag uulit ko.

Ilang segundo parin siyang tulala hanggang sa tuluyan ko ng hinablot ang hawak niyang tuwalya. Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo para magpantay ang ulo namin. Dahan dahan kong pinunasan ang kanyang buhok at pati narin ang kanyang leeg.

Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya. Mas magaan pala sa puso na magkausap kami kaysa sa pinapanood ko lang siya sa malayo. Alam kong napipilitan lang siyang kausapin ako pero bahala siya! Kung dati ay palagi niya akong pinipilit na makasama siya ngayon ay pipilitin ko naman siyang kausapin ako!

"Kamusta ka na nga pala? Ilang taon din kitang hindi nakita." Patuloy ko pa.

This time kinuha niya sa kamay ko ang tuwalya. Natigilan ako dahil doon ngunit agad naman akong bumalik sa huwisto.

"Ganon parin." Tipid niyang sagot.

Yun na yon? Hindi man lang ako kinamusta pabalik?

"Ganon parin? E balita ko, ang layo na ng narating mo. Masaya ako para sayo." I smiled.

"Hindi naman."

Dati sobrang hambog nito e. Kung umasta akala mo pag aari niya ang mundo pero ngayon sobrang humble niya magsalita. Pwede niya namang isumbat sakin na who you kana sakin ngayon, Monica! Yung sinabihan mo ng walang future e mas mayaman pa sayo ngayon!

"Saan ka na nga pala nakatira ngayon?" I asked.

Nilingon niya ako ulit. Mukhang hindi siya makapaniwala sa inaasal ko ngayon. Halata bang interesado ako sayo? Sana nga nahahalata mo no? Para hindi na ako mahirapan ng ganito? Balik ka na? Please?

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now