Pinagmasdan ko ang mga alon ng tao. Lahat sila'y nakangiti habang suot ang puting toga. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong ngumiti. Hirap akong magsalita at bumuhos na parang ilog ang mga luha ko.
I cleared my throat. "Life is full of choices. Once you decided to step up to your dreams there is no turning back."
Pumalakpak ang aking mga kaibigan habang nagpupunas ng kanilang mga luha. Nag angat ako ng tingin kina Mommy at Daddy. Sabay silang kumaway sakin at nag thumbs up.
Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang speach na ito. Mas lalo lang umatras ang dila ko nang mag tama ang mga mata namin ni Vim. Biyernesanto ang kanyang mukha at tila hindi narin kayang ngumiti.
"Bawat isa sa atin ay may angking galing." Inilipat ko ang aking paningin kay Theo. Ngumisi siya at flying kiss.
"Kung kaya't iwasan mong ikumpara ang sarili mo sa iba." Nag angat ako ng tingin kina tito Justin at tita Alecia.
Tipid na ngumiti si tito at yumuko. Habang tumango tango naman si tita. Ibinalik ko ang aking paningin kay Vim.
"Minsan darating tayo sa point na.. Nagkakaroon tayo ng self doubts. Dahil pakiramdam natin kahit ginagawa na natin ang lahat ay hindi parin ito nagiging sapat. Talo parin tayo. Gayun paman hindi ibig sabihin ay hindi tayo magaling. Sadyang may mga tao talagang nakakahigit sa atin. Huwag mong isipin na ang buhay ay isang paligsahan. Dahil kung ganyan ka mag isip, ikaw ang tatalo sa sarili mo."
Nanigas ang kanyang mukha. Walang kahit anong ekspresyon ang kanyang mga mata. Pero habang tinititigan ko ito.. Parang napapaso ako. His eyes were serious and then he gave me a sarcastic smile.
"Congratulations! Hindi ako makapaniwalang may Valedictorian akong bestfriend!" Isabela hugged me.
Tinapik ko ang kanyang balikat. "Congrats, din."
Mabilis na tumakbo sina Jewel, Grace at Paula patungo sa aming direksyon at kaagad akong pinaulanan ng yakap.
Naging abala ang lahat sa picture taking habang yung iba ay nagpasya ng umalis. Naagaw ang atensyon ko nang masaksihan ko ang swabeng pagpasok ni Mr. Avelardo, nakabuntot naman sa kanya si Betty.
Ilang sandaling nagtagal ang mga titig ni Mr. Avelardo sa akin bago siya nagpakawala ng isang matamis na ngiti at nag iwas ng tingin.
"Congratulations sayo, Mam." Betty smiled and hugged me.
Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka simpleng puting blouse lang siya at isang mahabang floral skirt na hanggang talampakan. Hmp.. Parang nakikita ko na ang future ko sa kanya ah.
Gayun paman ay umangat parin ang kanyang simpleng ganda. Kahit may edad na siya ay hindi nababakas sa kanyang mukha ang wrinkles. Agaw pansin rin ang kanyang buhay na lunal sa gilid ng kanyang ilong.
"Pumunta ka sa bahay, may hinanda si Mommy." I smiled.
Tumawa lang siya at umiling. "Nais ko rin sanang imbitahin ka, Mam. Pasensya na ngunit hindi ako makakapunta sapagkat ipaghahanda namin ang Señorito."
Tumango lang ako.
"Nga pala, pinapabigay ni Señorito." Patuloy pa niya.
Naestatwa ako nang titigan ang pulang mga rosas. Kahit maraming katanungan sa isip ay nagawa ko paring tanggapin ito.
"Salamat."
"Subukan mong pumunta, Mam. Tiyak matutuwa ka. May Pool Party sa bahay at imbitado ang lahat ng mga kaibigan ni Señorito. Tiyak na hindi siya magiging masaya kung wala ka." Binigyan niya ako ng mapanuyang tingin.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
Storie d'amoreNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...