Qing's Pov
I was watching my mom looking at the mirror. She was smiling and can't help but to hug the white dress she was holding.
"Nasan si Zoreifel?" Daddy's voice was full of anger.
Iniwan ko ang aking laruan at kaagad na nagtago sa likod ni Mommy.
"Huminahon ka, Enrico."
"Hanggang kailan ako mananatiling mahinahon, Estelita? Halos araw araw akong pinapatawag ng kanyang guro! Isa lamang siyang dies anyos at napatumba niya ang apat na high school!"
Mom looked at me. Lumayo ako sa kanya dahil baka siya na mismo ang tatapos sakin. I saw Daddy with his intense eyes and started to remove the belt on his waist.
"Enrico! Isa lamang siyang bata! Wala pa siyang alam sa kanyang ginagawa! Hayaan mo at pagsasabihan ko siya." Mom trying to explain.
He shook his head and grab my arms. I was completely shaking when his belt touch my back. I can't help but to scream loudly.
"Enrico! Tama na!" Mom cried.
Walang narinig si Dad kung hindi ang sarili niyang galit. Those high school students were bullying me. They always says that my mom was a crazy and mad woman. Pero hindi siya ganon! And I hate them for spreading false judgement.
"Ano bang nasa isip mo at binugbog mo ang mga estudyanteng iyon? Hindi mo ba alam na mas matanda pa sila sayo? Palagi kong sinasabi sayo na gumalang ka sa mga nakakatanda sayo!" He shouted.
I glanced at Mom, asking for help. But she is now busy in making herself beautiful. Suot na niya ngayon ang isang puting bestida na yakap yakap niya kanina. That was her wedding dress.
I tried to call her but she was just smiling and cheering at me. My eyes started to water when I saw her innocent eyes.
"Tama na, Dad!" I begged.
"Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag kang makipag away! Umiwas ka sa gulo! Pero ikaw itong mismong lumalapit!"
I wiped my own tears. If I could turn back time, I would still do the same thing. Hindi bale ng makapatay ako basta maipagtanggol ko si Mommy.
"Sumagot ka! Bakit mo ginawa yon?" He yelled at me.
"Dahil sinisiraan nila si Mommy!"
His eyes widened. He stared at her for a second. Niluwagan niya ang kanyang necktie at ibinalik ang tingin sa akin.
"Anong sinabi nila sayo?" He asked.
"Sinabi nilang baliw si Mommy!"
Nanlaki ang kanyang mata at marahang hinawakan ang magkabilang braso ko. Lumuhod siya sa aking harapan para magpantay ang aming paningin.
"Makinig ka." He sighed. "Huwag mo nalang silang pansinin."
The anger and disappointment were evident inside me.
"Hindi ako katulad mo na hindi man lang siya kayang ipagtanggol! Bakit kailangan ko pang balewalain ang sinasabi nila kung alam ko naman ang totoo?"
He swallowed hard. Tumingin ulit siya kay Mommy pero ngayon, naluluha na ang kanyang mga mata.
"Dahil totoo! Wala man siya sa katinuan ay sinisikap ko paring protektahan siya. Kayo." His voice was broken.
Namanhid ang buong katawan ko. All my life I was busy defending my mom from their accusations. But now, even my own father refused to believe what I have thought.
"Nagsisinunggaling ka!" I shouted.
Lumaki akong nakasanayan ang natural na pag uugali ni Mommy. Hindi ba't ang isang baliw ay nananakit?
"Siya ang iyong ina pero umaarte siyang mas bata pa sayo."
"Pabili ako ng asin at paminta. Ipagluluto ko ang aking Enrico!" She said happily.
Tumayo ako. Pinagmasdan ang kanyang bawat paggalaw. Nakapamaywang na siya ngayon sa harapan ko.
"Zoreifel! Ako ang iyong ina! Hindi mo ba ako naalala? Matagal kang nawala'y sa akin." She hugged me.
Tumayo narin si Dad at inayos ang sarili.
"Enrico! Hindi ka ba natutuwa? Naisilang ko na ang anak natin! Ang laki laki na niya!" Pumalakpak at tumalon talon si Mommy.
He holds her hand and rubbed her shoulders.
"Masaya ako."
Mas lalo lang akong naaawa sa kanya. Kailan pa siya naging ganito? Gagaling pa ba siya?
Despite her flaws she never fails to make me feel loved. Taking care of her is the best part of my day. Ngayon, mas naiintindihan ko na siya at mas lalo ko pa siyang minahal.
"Betty."
The old woman turned to me. I know that she has the same age as my Mom but she looks more mature than her.
"Ano ho iyon, Señorito?"
Ninakaw ko sa kanya ang hawak niyang tray na naglalaman ng sandwiches.
"Ako na."
"Matalik kong kaibigan si Estelita. Nang malaman ko ang kalagayan niya ay agad ko siyang hinanap. Nalulungkot ako at naaawa sa kanya. Pero mabuti nalang at nariyan ka. Inaalagaan siya at minamahal ng sobra." Her voice was shaking.
My breath was paused for a while. Hindi pala ako nag iisa. Ibinalik ko sa kanya ang tray at pinanood ko siyang pumasok sa silid ni Mommy.
"Kailangan mo siyang itago dahil hindi ito nakakabuti sa image mo." Said one of my dad's friends.
I stepped back. Papasok na sana ako sa kanyang opisina pero wala na akong ganang ituloy pa iyon.
"Maaaring makakaapekto ito sa iyong pagtakbo bilang Mayor sa susunod na eleksyon."
"Asawa ko si Estelita. Hindi naman ganon kalala ang kalagayan niya. Sa katunayan, bumubuti-
"Pero may records parin siya sa mental hospital ng ilang taon. Oo sabihin na nating bumubuti na ang kanyang kalagayan at nasa puder mo na siya. Pero hindi mo maitatago na minsan na siyang nakunan ng video na nananakit ng mga tao."
"That was several years ago!" Dad said in a strong voice.
"Hindi na iyon mawawala sa isipan ng mga tao. Isa pa, hindi naman alam ng lahat na asawa mo siya dahil binayaran na ni Mr. Alex Lopez ang mga reporter noon. Sa tingin ko, kailangan mo paring itago ang tungkol sa kanya. Pu-pwede naman nating palabasing byudo ka na."
I waited for a second to hear his reponse but it didn't come. Kumuyom ang mga kamay ko at binibiyak ang puso ko sa tuwing naririnig ang kanyang katahimikan.
Palagi niyang sinasabi na prinoprotektahan niya si Mommy. Pero yung totoong prinoprotektahan niya lang ay ang sarili niya!
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
Любовные романыNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...