Kabanata 28

12 1 0
                                    

Inaamin ko nagkamali ako

Inaamin ko nasaktan ko ang puso mo

Iniwan ka nang walang dahilan

Halos pinagtulakan ko na ang lahat ng makasalubong ko. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay nanginig narin ang mga tuhod ko.

Nang sa wakas ay nasa likod na ako mismo ng isang pamilyar na lalaki ay mas lalo akong pinagpawisan. Nananatiling mahaba at tuwid ang kanyang buhok, malaya lang itong nakalugay ngayon. Tindig niya palang alam kong siya nga ito!

Kahit wala siyang ginagawa ay kasing lakas ng haring araw ang epekto niya sakin. Nanunuot hanggang sa kalamnan. Huminga ako ng malalim bago ko kinalabit ang kanyang balikat.

"Yes?" He asked.

Parang gumuho ang mundo ko nang maaninag ang kabuoan niyang mukha. Manipis ang kanyang mga kilay at malaki ang mga mata. Makapal rin ang kanyang labi at pango ang ilong.

Napayuko ako at umiling. "I'm sorry."

"Ay? Hindi pala!" Si Paula sa likod.

Nagkatinginan silang tatlo at nanigas ang kanilang mga mukha.

"Ikaw kasi!" Si Isabala at siniko si Paula.

"Lagot na!" Malungkot na saad ni Grace.

Wala ng mukhang maiharap si Paula ngayon at nanatili lang siyang nakayuko. Si Grace naman ay hindi narin makatingin sakin.

I sighed. "Minsan siguraduhin niyo naman, hindi yung pinapaasa niyo ako."

Nagtutulakan na sila ngayon. Gusto kong magmura at awayin sila dahil pinaasa nila ako. Pakiramdam ko nga prank lang to e. Ngayon lang ulit ako umasa ng ganito e. Tangina!

Lalagpasan ko na sana sila nang magsalita si Paula.

"Monica, nakita ko talaga si Qing kanina." Pangumbinsi niya.

"Stop this nonsense!" I walked out.

Mabibigat ang naging hakbang ko palayo. Ayos na sana ako e. Hindi ko na siya masyadong naiisip. Dahil sa nangyari ay parang umasa ako ulit. Alam mo yung feeling na binigyan ka ng ice cream, hindi mo pa nga natatanggap ay binawi na agad ito sayo.

Tinahak ko ang soccer field. Umupo ako sa bakanteng bleachers at tumunganga. Nang magsimulang humuni ang ibon ay bumagsak na ang mga luha ko. Shit! Pati tungkol sa ibon may naalala pa ako!

Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? Niyakap ko ang aking sarili at pinagmasdan ang mga ibong malayang naghahabulan ngayon.

"Huwag ka ngang umiyak. Ang pangit mong tingnan."

Natigilan ako. Pamilyar ang boses na iyon pati linya. Shit! May sakit na nga talaga ako! Tinakpan ko ang aking tainga. I need to see a psychologist as soon as possible!

May narinig pa akong tumawa sa likod. Diyos ko! Baliw na ba ako? Huwag naman huhu. Naestatwa ako nang may umupo sa tabi ko. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang kabuoan niyang mukha.

Umikli ng bahagya ang kanyang buhok ngayon, sakto itong pumatong sa kanyang balikat. Ang kanyang earrings ay naroon parin pati narin ang kanyang mapanuyang ngisi.

Nag iwas ako ng tingin. May sakit na nga talaga ako. Ibinalik ko ang aking mga mata sa mga ibon. Nariyan parin sila, dinadamayan ako.

"I'm sorry." He said.

Pakiramdam ko tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Kinilabutan ako ng malala! Lord? Patay na kaya siya? Hindi kaya.. Nagpaparamdam na siya sakin ngayon?

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now