Naging mabilis ang panahon at nagpasukan na. Recess nang nagsimulang naglabasan ang mga kaklase ko ngunit kagaya ni Vimothy ay nanatili ako sa kinauupuan ko.
Matagal na akong humahanga sa kanya since grade 7 palang kami. Bukod kasi sa gwapo siya ay napaka seryoso niya! Isa rin siyang magaling na manunulat sa campus at halos kinabisado ko narin lahat ng ginawa niyang tula at nobela. Mas matalino rin siya sakin. Di hamak na palagi lang akong pumapangalawa sa kanya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at umupo na ako sa tabi niya. Nakita kong nag aaral siya tungkol sa bagong lesson namin sa Physical Science.
“Vim, bakit ka nag aaral e recess ngayon?” panimula ko.
“I want to make use of the time.” tipid niyang sagot habang nasa notebook parin ang atensyon.
“Can I study with you?” malambing kong tanong.
“Yes you can, just use your own notes.” he said.
Napaismid ako nang maalalang hindi nga pala ako nag tatake down ng notes. Oo masipag akong magbasa pero tamad naman akong magsulat and I find it weird though.
“Okay fine. Let's just share.” he said.
Nanlaki ang aking mga mata. Hmp! He's not manhid naman pala! Ngumisi na ako.
“Thanks.” tugon ko.
Wala talaga akong study habit, hindi naman sa nagpapa hepokrita ako pero nag aaral lang talaga ako pag kailangan na. Yun bang kapag nagkagipitan na! Haha. Let's just say pag midterm o kaya finals pero kung daily quizzes nope.
Dahil tamad akong magsulat at mag aral masipag naman akong makinig sa mga lectures dun ako bumabawi. Sa halip na basahin ko ang kanyang notes ay nakatuon ang atensyon ko sa kanyang mukha. Such an angel!
“Focus.” saway niya nang nahuli akong wala sa sarili.
“Can I ask?” I smiled shyly.
Napakurap kurap ako. Kung hindi ka madadaan sa dasal, sana sa tingin man lang? Nakatingin na siya sakin ngayon at pinagsalubong niya ang kanyang makapal na kilay. Naku po! nadistorbo ko yata?
“Nagtatanong ka na.” mahina niyang saad.
Final na ba to? tatanungin ko ba talaga siya? as in now na? pwede bang mamaya nalang? o kaya bukas? Aghh! Last five minutes?
“Hmm. Who is your crush?” yumuko kaagad ako pagkatapos kong itanong iyon.
Natahimik siya. Kung sa bagay lagi naman siyang tahimik eh! inabala ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng aking mga kuko.
“I don't want distractions.” tipid niyang sagot.
Kailan pa naging distraction ang crush sa pag aaral? meron bang ganon? sakin kasi ginagawa ko yung inspiration. Nakakahiya kayang maging olats sa klase lalo na pag classmate mo ang crush mo. Yung tipong hindi ka makakasagot sa recitation nakakahiya! Mas lalo ka kayang na cha-challenge pag ganon.
Nag angat ako ng tingin. “Hindi naman yon distraction e.”
“It is. Kagaya ngayon imbes na mag aral tayo ito yung inaatupag natin.” saway niya.
Ay ganon? tinikom ko nalang ang bibig ko. Imposibleng wala kang crush, Vim! You are lying.
Nasa School ground kami ng mga kaibigan ko nang makita kong kakalabas lang ni Qing galing sa Guidance Office. Napailing nalang ako sa kawalan at napatitig sa aking mga daliri. Pang ilan na kaya niya yon? Hindi pa ba sapat yun para matanggal na siya dito?
“Anyare don?” may kuryosidad sa boses ni Grace.
“Hindi mo pala alam?” seryosong tanong ni Paula habang nasa Guidance Office parin ang mga mata.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomansaNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...