Kabanata 19

12 1 0
                                    

"Where have you been?" Mom asked.

Sa pintuan palang ay agad ko na siyang niyakap. Sa haba at pagod ng araw ko.. Napapawi agad ito sa piling ni Mom. Napapikit ako. Naramdaman kong hinimas niya ang aking likod at ang kanyang paghalik sa aking ulo.

"Exhausted? Don't worry, sagot kita." Tumawa siya.

Abot tainga ang ngisi ko nang pinaghanda niya ako ng paborito kong vegetable salad.

"Galing ako kina Mayor Avelardo, Mom." I smiled.

Unti unting napawi ang kanyang ngiti. Ilang sandali siyang napakurap kurap. For sure, hindi siya makapaniwala na napadpad ako sa bahay ng pinakamamahal na Mayor dito sa Rosaryo.

"Relax, Mom. Hindi ako katulad ng iniisip mo, kaklase ko ang kaisa isa niyang anak at pinakiusapan kasi ako ni Maam Rapour na tulungan siyang mag aral, pasaway kasi yun, Mom. Parang walang plano sa buhay." Patuloy ko pa.

"Gusto mo pa ba ng salad?" She asked.

Tumango lang ako. Parang wala naman siyang plano patulan ang chika ko. Haha!

“Come on! Ms. Salvego yan lang ba ang kaya mo? I'm so devastated!” sigaw ni Maam Marianne.

Napayuko ako. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Napabaling ako sa mga ka grupo kong nagtutulakan na ngayon.

“I'm sorry, maam. Pero base lang po yan sa nabasa ko.” mahina kong saad.

Nasaksihan ko ang pag iling ni Maam habang nakatitig sa prenisenta naming powerpoint.

“Ilang sources ba ang nakuha mo?” aniya gamit ang matigas na boses.

Nasa sahig parin ang mga mata ko. “Thirteen po maam.”

“You could have more! Ano tong mga websites na ito? legit ba to? You should widen your horizon! For pete's sake use books!” sigaw niya.

Nasapo ko ang aking noo. “I'm sorry, maam. Hayaan niyo po aayusin ko ito at-

pinutol na niya ako. “No need. I will grade you base on your performance today. I admit, this is my fault why I'm feeling this way. Masyado akong nag expect at naniwala sa kakayahan mo. I thought you're smart enough to impress me.”

Humakbang ako palapit sa kanya. “Pero maam akala ko po-

“You are an outstanding honor student, sinong sisisihin mo kung mawala yan sayo?” itinaas niya ang isang kilay.

Bumagsak na ang balikat ko at tinuro ko ang sarili ko.

Tumango siya. “Good. Next group please.”

Napabaling ako sa mga kaklase kong matalim akong tinitigan habang nagbubulungan. Pinilit kong ginalaw ang mga mabibigat kong mga paa. Pinatay ko na ang laptop ko bago ko pa nilisan ang silid ay may narinig ako.

“Monica wait.” ani Grace gamit ang malungkot na boses.

Namuo ang mumunting luha sa mga mata ko at pinili ko nalang umalis. Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers dito sa soccerfield. Naging pabaya na ba talaga ako? Siguro nga, dahil hindi gaya noon na sobra akong nagpapakapagod mag aral at nagsusunog ng kilay para lang mapanatili ko ang posisyon ko sa taas.

Pero habang tumatagal, hindi na ako nagiging masaya noon. Pinilit kong mamuhay ng normal kagaya ng mga ordinaryong estudyante para mabawasan ang pressure at stress. Pero nasasaktan naman ako kapag nagkakamali ako at bumabagsak ang aking mga marka. Kasi, mas tumatatak sa kanila ang pagbagsak ko, kaysa sa mga panahong namamayagpag pa ako at matulin pa ang aking paglipad sa itaas.

Sumagi sa isipan ko ang mga mapanghusgang mga mata ng mga kaklase ko kanina at ang bigong mukha ni Maam Marianne. Ganito pala ang feeling kapag hindi mo na maabot ang expectations nila.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now