Kabanata 11

13 2 0
                                    

Seryoso kong itinuon sa libro ang aking buong atensyon nang matapos ang klase ni Maam Rapour.

“Wow! pa download ako nyan!” masayang sambit ni Jewel at nagawa pang pumalakpak.

“Dali na! maglaro na tayo!” sabat naman ni Grace na ngayon ay naka puppy eyes.

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. Damn! distorbo naman nito! kanina pa sila ah! Nag angat ako ng tingin sa kanila at nasaksihan ko ang kanilang pagkakagulo sa cellphone. Pu-pwede namang maglaro ng hindi nag iingay! tsss.

Kumabog ang puso ko nang mabilisang hinigit ako ni Isabela dahilan kung bakit napatayo ako at napatakbo narin.

“The hell! Isabela!” saway ko sabay bawi sa kamay ko.

“Bilisan mo kasi!” aniya at ngumiti.

Kinabahan tuloy ako, ano kayang nasa isip ng babaeng to. Nasa labas na kami ng aming classroom nang binitawan ni Isabela ang kamay ko. Nanlaki ang bibig ko nang makita ko si Vim na ngayon ay pinagtutulakan ng kanyang mga kaklase papunta sakin.

Nang magtama ang aming paningin ay nanginig ang mga tuhod ko. Ano to? may sasabihin ba siya? Walang gumalaw samin at nagtitigan lang kami. Nakita kong pumagitna si Isabela saming dalawa at hinarap ako.

“Ganito kasi, Monica. Gusto niya daw manligaw sayo!” ngumisi siya.

Parang lumutang ako sa ulap nang narinig ko ang mga salitang iyon. Napabaling ako kay Vim na ngayon ay nakayuko at nagkamot ng ulo.

“Uy, kinikilig nayan!” si Isabela at pinisil ang aking tagiliran.

“Ano ba!” saway ko sabay hawi sa kamay niya.

May senenyas si Vim sa kanila dahilan kung bakit sila umalis. Pinanood ko ang swabeng paglakad ni Vim patungo sakin. Naglahad siya ng kamay sakin ngunit pinanood ko lang ito.

“I'm sorry kung nalaman mo pa sa iba.” panimula niya at hinuli ang mga mata ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi. “A-Ang alin?”

Nanlaki ang mga mata ko nang hinuli niya ang nananahimik kong mga kamay. Kusang nagpapawis ito nang hinawakan niya. Oh my God! I'm wet na pala.

He swallowed hard. “Monica, please allow me to court you.”

Tumango lang ako at sinuklian ang kanyang titig. “Kailan?”

“Bukas if you don't mind.”

Paki sampal naman ako oh? Totoo ba to? bakit ngayon lang? what? I think the right word is.. finally!

“O-Okay.” wala sa sarili kong sambit.

“Please don't be absent tomorrow.” maligaya niyang sinabi at nagpakita ang kanyang malalim na dimple.

Parang nasa langit ako nang pumasok ako ng silid. I can't wait! bukas pa talaga? Pwede namang ngayon! I'm freeeeee.

Natigilan ako nang nahagip ko ang mga mata ni Qing na ngayon ay tagos sa buto akong tinititigan. Naka dekwatro siya sa kanyang arm chair at pinasadahan niya ng suklay ang kanyang buhok gamit lamang ang kanyang kamay.

Iniwan ko ang aking aklat nang napagtantong walang letrang pumapasok sa utak ko. Masyado yata akong na o-overwhelm. Pinili ko nalang makisali sa mga kaibigan kong abala sa kanilang cellphone ngayon.

Nakaupo silang lahat habang seryosong nanonood ng isang kilalang K-drama. Nakatayo lang ako sa kanilang likuran at nanood narin. Sumayaw ang puso ko nang may mainit na palad na nangahas na humawak sa nananahimik kong kamay. Nagtama kaagad ang mga mata namin ni Qing. Gusto kong murahin siya ngunit ayaw kong maka istorbo sa kanila. Nagpumiglas ako at matalim ko siyang tinapunan ng tingin.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now