Kabanata 23

8 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at nakalabas narin ako ng hospital. Halos mamaga na ang mga tainga ko sa mga pangaral nina Mommy at Daddy kesyo ganito, ganyan. Sumali narin pati mga kaibigan ko.

Kabado ako habang tinatahak ang aming silid. Namiss ko yata ang pang araw araw na ingay dito. Mas lalong humataw ang puso ko sa tuwing naiisip ang mga activities na kailangan kong habulin.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang lumalapit kay Maam Rapour na ngayon ay seryosong nag che-check ng papers.

“Excuse me, Maam.” panimula ko.

Nag angat siya ng tingin at gumuhit ang pagkagulat sa kanyang mga mata. “Ms. Salvego, mabuti at magaling kana.”

“Opo. Uhh, Maam pwede ho bang-
Sinapawan na niya ako.

“I'm amazed because kahit nasa hospital ka ay hindi mo parin pinapabayaan ang mga subjects mo.” aniya at ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ko. Okay lang ba siya? siya yata itong may sakit ah?

“Ahh.. Maam, what are yo-

Hindi ko na natapos dahil mabilis niyang nilahad ang mga papers sakin.

“Nahh, I'm tired of explaining. Ikaw parin ang nakakuha ng pinakamataas na score so alam mo na ang gagawin mo.” she smiled.

Hindi ako makagalaw. Wala akong maalalang may ginawa akong kahit isang activity habang nasa hospital ako.

Napabaling ako sa hawak kong mga papel. Bumungad sakin ang answersheet ko at tunay ngang mataas ang marka nito 98/100. Gumuhit ang kuryosidad sa mukha ko nang makitang hindi ko nga ito sulat kamay. Kanino to?

Kahit puno ng katanungan ang aking utak ay minabuti ko nalang umupo at ipinagpatuloy ang pag che-check. Tumindig ang balahibo ko nang makitang swabeng umupo si Qing sa tabi ko na may dalang pagkain sa mga kamay.

“Himala! maaga ka yata ngayon.” puna ko.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Mas maaga pa sa inaakala mo.”

I smirked. “Bolero!”

Ngumuso siya at inilapit ang mukha sakin. Nabitawan ko ang hawak kong ballpen nang nagtagpo ang aming paningin. Inaangkin ako ng kanyang makahulugang mga mata.

“Let's eat.” saad niya at hindi parin iniwan ang aking mga mata.

Bumaba ang aking mga mata sa kanyang ngiti. Hanggang sa kanyang mamasa masang labi. Napakurap kurap ako nang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa library. Gosh! Binigyan ko lang siya ng tingin na nagsasabing wala ako sa mood.

Napaatras ako at tumuwid sa pagkakaupo. “Masyado pang maaga. Hindi pa ako nagugutom.”

Iniwan ko ang mga mata niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Bawat pagkagat niya sa malutong na friend chicken ay kumakalam ang sikmura ko.

“Kapag hindi mo ihinto ang paggalaw ng kamay mo wawasakin ko lahat yan!” may pagbabanta sa boses niya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang pagpapalipad niya ng eroplanong papel at eksaktong bumagsak ito sa ulo ni Maam Rapour. Baka gawin niya ulit to! Gosh! Isa lang ang ulo ni Maam saan ito maglalanding? Ang dami pa naman nito!

Mabilis na tumiklop ang kamay ko at nabitawan ang hawak nitong ballpen. Basta nalang sumulpot ang isang friend chicken sa harap ng labi ko. Ilang sandali ko itong tinitigan at di naglaon ay kingat ko rin ito.

“Ako na, kaya ko naman.” sabi ko at nagtangkang agawin sa kamay ni Qing ang friend chicken.

Inilag niya ito at itinaas ang isang kilay. ”May ginagawa ka pa diba?”

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now