Pagkatapos kong mag ayos ay naabutan kong masinsinang nag uusap ang parents ko at sina tita Alecia at tito Justin.
“Breakfast, Noelle.” malamig na anyaya ni Theo na ngayon ay nakaupo sa hapag.
“Anong meron?” tanong ko at umupo narin.
Hindi pa ako nakapagsalita ay narinig ko na ang mga hinanakit ni tita.
“I don't know what to do! ubos na ubos na ako. Ginawa ko na ang lahat para tumino ang anak ko!” malungkot niyang sinabi.
“Bakit ba kasi hindi nalang siya gumaya kay Monica!” ani tito.
Mabilis na nagtama ang mga mata namin ni Daddy. Nasa sala sila ngayon nagtitipon tipon. Nasaksihan ko rin ang paghimas ni Mommy sa balikat ni tita na ngayon ay mukhang miserable na. Napailing naman si tito na ngayon ay nakapamaywang na.
Napabaling naman ako kay Theo na ngayon ay walang kibo. Ano kayang nararamdaman ng isang anak na ikinukumpara siya ng mga magulang niya sa iba?
“Are you okay?” tanong niya nang makita akong tulala.
“Ako dapat ang nagtatanong niyan.” mahina kong tugon.
Ngumisi lang siya at sumimsim sa kape. “Everyone wish to be like you.”
Buong buhay ko kilala ko siya bilang isang masiyahing tao. Kahit nakangiti siya ngayon bakas parin sa mga mata niya ang sakit. Tunay ngang kung gusto mong malaman ang totoong nararamdaman ng isang tao, titigan mo lang ang mga mata niya. Dahil kahit kailan hindi nasisinunggaling ang mga mata.
“That's not true.” mabilis akong umiling.
He smirked. “It is.”
Kumunot ang noo ko. Ayokong magalit siya sakin dahil sa pagkukumpara ng mga magulang niya sa amin. Pero alam kong kahit pasaway siya ay hindi naman siya mababaw na tao. Malalim na ang pinagsamahan namin dahil noon paman ay sabay na kaming lumaki. Wala man akong kapatid ay siya naman ang pangalawang importanteng lalaki sa buhay ko at numero uno naman si Daddy.
“I'm just nobody.” sabi ko at tumayo na.
Hinatid kami ni Theo ng aming driver sa school at pansin kong tahimik siya buong byahe. Batid ko ring malalim ang kanyang iniisip kaya hindi ko na siya ginambala pa. Sabay narin kaming pumasok sa silid.
“Can I sit beside you?” maligaya kong tanong kay Vim.
Natigilan siya at mukhang napaisip. Sa huli ay nagawa niya ring tumango.
“Sure.” tugon niya.
Nanginginig ang puso ko sa tuwing malapit siya sakin. Literal na abot kamay ko na siya ngayon! Pinagmasdan ko siyang nagbabasa habang seryoso ang mukha. Napaka ayos ng sulat kamay niya! Ilang sandali ay maingay na pumasok sa silid ang mga kaklase ko at mabilis naman akong tumuwid sa pagkakaupo.
“Tabi dyan! kami ni Qing ang magtatabi ngayon!” ani babae.
“Hindi! ako parin! by schedule tayo diba? Tig dalawang araw tayo!”sabi naman ng isang babae.
Napairap nalang ako sa kawalan.
“Ano? tumigil kayo! anong tig dalawa? isa isa lang tayo uy!” saway naman ng babae na may matinis na tinig.
Grabe! ito na pala ang modernong mudos ngayon! May schedule na pala! Poor girls, ganyang klase ng lalaki pala ang gusto nila, ni hindi man lang nila inisip kung anong magiging future nila sa lalaking yon.
Oo mayaman siya pero papatayin ka naman sa sama ng loob at pagkairita! sa dami ba naman ng babae niya tiyak malolosyang kana sa kaiisip kung pang ilan ka.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...