Kabanata 34

10 1 0
                                    

Ito ang ikalimang araw na nananatili sa labas ng school si Qing. Hindi narin ako nag abalang tingnan siya o bigyan siya ng atensyon dahil baka mas lalo lang siyang magkaroon ng lakas ng loob na manatili pa dito.

Everyone's hate me because they think I'm rude but hell no. I'm just being real and honest towards my feelings for him.

Pagkatapos ng una kong klase ay agad na nagsilabasan ang aking mga kaklase. Hindi ko maiwasang mapansin ang kanilang malalagkit na tingin sakin. Minsan nga ay nagbubulag bulagan nalang ako sa lahat ng panghuhusga nila.

Inilabas ko ang aking sketch pad at nagsimulang paliparin ang aking imahinasyon. Plano kong sumali sa isang exhibit sa susunod na buwan, pagkatapos ng graduation.

"How can you just sit right there?" Umalingawngaw ang boses ni Grace.

Natigilan ako at agad siyang iniluwa ng pintuan. Sa hitsura niya para siyang tumakbo sa marathon at natalo. Agad sumulpot sina Paula at Isabela sa kanyang likuran na ganon rin ang hitsura.

Nasapo ako ang aking noo. Oh! Well, heto nanaman tayo.

"Tumigil nga kayo." Saway ko.

Nagkatinginan silang tatlo at pinagtaasan ako ng kilay. Bakit ba parang may utang ako sa kanila na ilang taon ng hindi nababayaran.

"Nga pala, hija. Binigyan namin ng pagkain si Qing kanina. Jusko naman nangangayayat na siya! Nakaaawa! Papasa na nga siyang pulubi sa lagay niya ngayon." Ani Isabela.

Agad na sumanga ayon sina Paula at Grace pero nang inilipat nila ang kanilang paningin sa akin ay bumalik agad ito sa dating ekspresyon.

"Stop talking to him for awhile, mas lalo lang siyang lalala sa ginagawa niyo." I explained.

Agad na umupo si Paula sa tabi ko at inilapag ang dalang pagkain sa aking arm chair.

"Huwag kang mag alala, Monica. Hindi rin naman niya tinanggap." Pag amin ni Paula.

"Wala ka bang gagawin? Nakakaawa yung tao." Grace asked.

Napasinghap ako at itiniklop ang hawak na sketch pad. "Maniwala kayo. Ginawa ko na ang lahat. Tinaboy ko na siya at pinaintindi sa totoong nararamdaman ko. Pero wala! Hindi niya parin ako maintindihan."

Ilang sandali silang natahimik at mukhang sabik na sabik na malaman ang susunod kong sasabihin.

"Oo nawala na ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko rin naman ginustong makita siyang nahihirapan. Hindi naman pwedeng pipilitin ko ang sarili kong mahalin ulit siya. Hindi pwede yung gusto niya lang ang nasusunod. Hindi pwedeng isang tao lang ang nagmamahal." Patuloy ko pa.

Nag iwas ako ng tingin at tumitig sa kawalan. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkwento ako tungkol sa romantic love at hindi narin ako umaasang maiintindihan nila ako. Gusto ko lang magsalita at ipahayag yung side ko.

"Hindi ko ginustong makita siyang ganyan. Pero anong magagawa ko? Kung hindi niya kayang tanggapin ang desisyon ko? Choice niyang pahirapan ang sarili niya!" Matigas ang pagkakasabi ko roon.

Tinapik ni Paula ang aking balikat at humilig roon.

"Hindi ko naman hiniling na magpakahirap siya ng ganyan. Tsaka diba kung mahal mo ang isang tao kaya mo siyang palayain kahit na masakit ito para sayo? I doubt that what he's feeling towards me is not love. He's just obsessed! He badly needs to see a doctor!" I added.

"Alright. I get it. Ano nga ba yung ginawa niya dahilan kung bakit na fall out of love ka sa kanya?" May kuryosidad sa boses ni Grace.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at pilit na pinipigilan ang mga nagbabadyang luha.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now