Maaga akong nagising dahil pupunta si Vim dito sa bahay para sa aming practice. Hindi magkamayaw ang kagalakan ng aking puso sa tuwing iniisip kong dadalawin niya ako!
Pinili ko ang isang floral dress at naglagay ako ng powder sa aking maliit na mukha. Tinitigan ko ang repleksyon sa salamin. Sabi nila maganda raw ako pag walang eye glasses hindi ko alam kung totoo ba yun.
Hindi ko kasi matingnan ang sarili ko pag wala ito, tsss. Pagkababa ko ay naabutan ko agad si Mommy na nag ba-bake ng cookies. Mabilis ko siyang nilapitan at dinaluhan.
“Aba! bihis na bihis itong dalaga ko ah.” panimula niya.
“Maganda po ba, Mom?” sabi ko sabay pakita sa dress ko.
“You're beautiful since then.” aniya at ngumiti.
Uminit ang pisngi ko. Alam ko naman yon pero parang pinagdadamot yon sakin ng mga tao. Napakamot ako sa ulo. Si Mommy lang yata ang kaisa isang naging vocal sakin tungkol dun.
“Mom, bibisita si Vim ngayon. May pag aaralan lang kami.”
Biglang sumigla ang kanyang mga mata. “Nililigawan ka ba niya?”
Ramdam ko na agad ang kanyang makahulugang tingin.
“Hindi po.” mabilis akong umiling.
“Wala bang nanliligaw sayo?” she asked again.
Natigilan ako sa tanong niya. Tanong lang ba ito o pang iinsulto? buong buhay ko wala pang nanliligaw sakin. Minsan na nga lang magkaroon ng supportive na parents tapos ni wala akong maiharap na manliligaw sa kanila. Hindi naman sa pre-ne-pressure ko ang sarili ko. I think it is called making use of the advantage.
“Wala po.” matamlay kong sagot.
Mas lalo lang akong nairita nang narinig ko ang mapanuyang tawa ni Mommy.
“What happened with the boys in this generation?” halos patawa niyang tanong.
Nang umingay ang doorbell ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa aming gate.
"Diyos ko itong batang ito talaga, oh." Si Mommy.
“Vi-
Hindi ko na natapos dahil bumungad sakin ang mga nakangising mga kaibigan ko.
“Oh my gosh! Are you expecting Vim?” ani Paula sabay takip ng kanyang bibig.
“So what? ba't nandito kayo?” kuryoso kong tanong.
“Bawal ba?” sabat naman ni Jewel.
“Malamang bahay niyo to, kaya kami nandito. Tabi nga!” ani Isabela at nauna ng pumasok.
Ang mga baliw na ito! Ni hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba sakin. Pakiramdam ko tuloy nakikitira lang ako dito.
Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko na silang nagkakalat sa sala. Nakita kong nakahiga na sila sa malaking foam ngayon habang nakatuon ang mga mata sa aming malaking Tv at punong puno naman ng cookies ang aming glass table. Ilang sandali ay tumunog ulit ang doorbell at sabay kaming nagkatinginan ng mga kaibigan ko.
Tinapunan ko lang sila ng isang mayabang na ngiti at tumakbo na ulit ako papuntang gate. Pagkabukas ko ay naestatwa ako nang makita si Vim. Naka kulay itim siyang polo shirt dahilan kung bakit kumislap ang kanyang mala papel na balat at isang navy blue na maong shorts.
“I'm sorry, I'm late.” panimula niya.
Ngumiti lang ako sa kanya.
“May I come in?” he asked.
Ngumisi lang ako at tinuro ang bahay namin. Tumango siya at nagsimula ng maglakad.
“Salvego, let's go.” anyaya niya nang makitang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomansNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...