“What the hell, Isabela!” saway ko sabay bawi sa kamay ko.Ngumisi lang siya at binuhay ang camera. “Heck! bullshit!”
Tumawa ako. “Sabi ko ng ayaw ko e, pinipilit pa kasi! ayan tuloy kumampi ang camera sakin.”
Bigo siyang tumitig sakin. “San ba pwedeng mag charge dito?”
Nagkibit balikat lang ako. Nasaksihan ko ang paglahad ng lalaki ng kanyang cellphone kay Isabela. Nagtama ang paningin namin ni Isabela at napabaling kami sa cellphone. Damn it! mas latest pa ito kaysa sa cellphone ko ah?
Ngumisi si Isabela at tinanggap nya ito. “Taray! prepared pala si kuya!”
Umirap lang ako sa kawalan at naramdaman ko na ang pag dikit ng lalaki sakin. Nagpakawala ako ng isang tipid na ngiti habang nakatitig sa camera. I don't have to be rude kahit labag ito sa kalooban ko dahil aside sa maraming media ang nakatutok sa bawat galaw ko, ay ayoko ko rin naman gumawa ng eksena. Batid kong may kakapalan rin ng mukha ang waiter na ito.
Ilang sandali ay tinahak ko na ang stage. Malugod akong umupo sa aking trono at hinintay ang susunod na mangyayari. Hindi ko mapigilang pumuri sa upuang gawa mismo ni Daddy para sa akin. Kung ibebenta ko ito ngayon malamang hindi ko na kailangang magtrabaho buong buhay ko.
“Happy birthday Monica! you're so pretty! but I'm prettier! to all the guys out there please exercise your confidence and court her! come on! be a man dude!” ani Isabela habang nakahawak sa mikropono.
Gago! birthday message ba talaga to? Ang dakilang bugaw talaga! Naghiyawan ang mga tao at napa facepalm nalang ako.
“Happiest birthday Monica! were friends since kindergarten nakita ko kung pano ka nag grow at kung gaano ka ka-hardworking. You were undoubtedly effortless intelligent person. Please don't change.” si Grace na naiiyak na ngayon.
Yumuko ako dahil sa namumuong luha sa aking mga mata.
“Salamat dahil nag stay ka parin kahit na nagmumurahan na tayo. Nag aaway away minsan.” pumiyok na ang boses ni Grace.
Kinapa ko ang tissue sa isang maliit na table sa harap ko. Palihim kong pinalis ang mga luhang nahuhulog sa aking pisngi. Hindi kami yung typical na mag best friends na clingy sa isa't isa. Yung tipong nagseselosan kapag may bagong mahanap na kaibigan, yung tipong sweet sa isa't isa at one call away lang.
Again, hindi kami ganon. Pero asahan mong pag may umaway sa isa sa amin, ay magiging mortal mo narin kaming kaaway. Asahan mong kahit nagmumurahan kami ay tunay kami sa isa't isa. Asahan mong kahit wala kami lagi sa tabi ng isa't isa ay nananatili naman kami sa puso ng bawat isa. Asahan mong kahit magkaroon kami ng bagong kaibigan ay mananatili parin kaming magkaibigan na handang umalalay sa bawat isa at handang tumanggap kung kailan mo gustong bumalik.
Tumuwid ako sa pagkakaupo nang makitang paakyat na si Mommy sa stage. Tuwid siyang tumayo sa harap ko habang nakahawak sa mikropono.
“Noelle.” panimula niya.
Parang hinaplos ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Shit! pangalan palang pero bumuhos na parang ilog ang aking mga luha.
“Happy birthday, honey! are you happy? I bet you are. I'm the happiest mother in the universe because I have a daughter like you. A daughter who have an undying patience and a holistic thinker. Me and your Dad is asking for your forgiveness. Were not perfect, marami kaming pagkakamali at pagkukulang sayo.” nanginig ang boses ni Mommy.
Humataw ako sa paghagulhol. Sumagi sa isipan ko ang mga sinasabi ng mga kakilala ko. Minsan na nilang pinangarap ang pamilyang meron ako. Kesyo perpekto daw kesyo ganito ganyan. But believe me we've been through worse but here we are standing still as one.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...