"Monica, hija." Si lola.
Agaw pansin ang kanyang mamahaling mga singsing. Lahat ng mga daliri niya ay meron, naka clean cut ang kanyang kulay kayumangging buhok at kumikislap naman ang diamante sa kanyang mga tainga.
Nag angat ako ng tingin kay Mommy. Same style, looks and taste huh. Para lang silang pinagbiyak na bunga. Umupo ako sa tapat ni lola dahil ito nalang ang natitirang bakanteng upuan.
"Actually, I just came from Davao. We had a very memorable high school reunion with my old friend Mayor Alex. Hindi ko lubos maisip na ang laki na pala ng tinanda nila." She laughed.
"Some become successful pero mas maraming hindi pinalad at umaasa sa maliliit na negosyo. Mabuti nalang at hindi ako katulad nila." Patuloy pa niya.
Napainom ako ng juice. Mayor Alex is an active politician, kung saan nagmula ang lahi ni Jewel.
"Bakit hindi mo sinabi, Mama? Nang nasundo ka man lang namin." May pagkadismaya sa boses ni Mommy.
Tumawa lang si lola at nag angat ng tingin. "Gusto kong surpresahin kayo, para aking mabatid kung may epekto parin ang presensya ko sainyo."
Nakatinginan kaming lahat. May ilang tumango at hindi rin mawala ang ngisi sa kanilang mga mukha. May ilan ring hindi makangiti at hindi man lang makatingin kay lola.
Tumakbo ang usapan pagdating sa mga apo. Agad namang ibinida ng aking mga tiyahin ang kanilang mga anak at naging job interview na nga ito.
"Lola, Inse. Ang apo niyong si Georgina ay labis ang kahusayan pagdating sa pagsayaw. Alam niyo po bang siya ang kumatawan sa ating bansa pagdating sa ballet? Siya ay nakasali sa pagligsahan kung saan nakalaban niya ang USA, Iran, Singapore, at marami pang iba." Nakangising wika ni Auntie Julie habang ibinibida ang anak niyang si Georgina.
Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa narinig. Si Georgina ay napakamahiyain at likas na tahimik. Nagtama ang aming mga mata at nagpakawala ako ng magandang ngiti.
Hindi na siya nag abalang ngumisi pa sapagkat agad siyang yumuko. Gayun paman ay nagpatuloy parin sa pagmamayabang ang kanyang ina.
"Siya ba ay nanalo?" May kuryosidad sa boses ni lola.
Natigilan si Auntie at agarang napawi ang kanyang ngisi. "Siya ay nagkamit ng isang bronze medal."
Nasaksihan ko ang pag asim ng mukha ni lola. Na para bang may narinig siyang hindi kaaaya aya. Binalikan ng mga mata ko si Georgina na ngayon ay hindi na makatingin sa amin.
Hinintay kong magtama ang aming paningin para sana ngitian siya pero hindi na ulit iyon nangyari. Kahit ano pang sabihin nila, karapat dapat parin siyang ipagmalaki.
"My granddaughters and grandsons, always remember that being a second placer is the biggest loser." Si lola na ngayon ay seryoso ang mukha.
Natahimik ang lahat. Kahit si Auntie Julie ay hindi narin makapagsalita.
"Always choose to be number one, kahit pumangalawa ka pa ay wala rin iyong saysay. There's no point at all." Patuloy pa niya.
Kahit nabalot na ng katahimikan ang silid ay nagawa paring kamustahin ni lola ang iba pa niyang mga apo. Kahit kailan ay hindi nawala sa kanyang mga tanong ang akademya o kung ano ang biggest achievement mo.
"How's Theodore?" Si Lola na ngayon ay diretso ang tingin kay Tito Justin agad niya namang inilipat ang kanyang paningin kay Theo.
Bakas ang panlalamig sa mukha ni Tito. Bahagya ring hinawakan ni Tita Alecia ang kanyang kamay at ilang
sandali silang nagtitigan.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...