Kabanata 50

30 1 0
                                    

After 3 months everything is going smoothly. I can say that the connection of Qing and I were still mutual. Huminto narin siya sa pagtataboy sakin dahil in the first place wala nanaman siyang magagawang pigilan pa ako. He thinks that it is just a waste of energy to keep on arguing the same thing. Hindi naman talaga napipigilan ang pagmamahal.

Na settle narin niya lahat ng kasong isinampa sa kanya at tinulungan ang mga biktima ng aksidente. Sa maikling panahon makikita mong unti unti na siyang nakakabangon pati narin ang buong bayan. Marami siyang nagawang programa sa tulong narin ng kanyang Daddy na ngayon ay presidente na ng bansa. Nagsagawa sila ng livelihood program at libreng pabahay sa mga apektadong lugar at syempre sinigurado kong nandoon ako sa mga panahong iyon. Sa kanyang pagbagsak pati narin sa kanyang paglipad muli.

"I'm glad that you two looks happy together. Mabuti at nagkabati na kayo." Zhavia smiled.

I smiled back at her. "Thank you for understanding and for making a way na magkaayos kami."

At this moment in time I can admire her wholeheartedly without insecurities at the back of my mind. Sa simula palang ng kwento wala siyang ipinakitang masamang katangian. She's too perfect.

She nodded. "I knew you always have a space on his heart. You are his great love."

Kumunot ang aking noo. Papano niya nasabi yan ng walang bitterness sa kanyang mga mata at boses? Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"And I thank you for taking care of him when he was broken. He will not be at his best without your help." I smiled.

"I hope this time you will value his worth." He said in a soft voice.

"I will."

Gabi na nang umuwi ako ng bahay. Kaagad kong inilapag ang aking bag sa sofa at dumiretso sa dining room. Sa dami ng trabahong hinarap ko kanina nawalan na ako ng oras kumain. Kaya medyo umiikot na ang paningin ko ngayon. Naabotan kong abala parin si Mommy sa counter.

Ilang buwan narin ang lumipas nang napansin kong bumalik na siya sa dati. Palagi na niya kaming pinagluluto at kinakamusta katulad noon. Ngunit hanggang ngayon malamig parin ang turing ko sa kanya. Matino narin naman akong kausap at hindi ko na siya sinasaway o binabara.

Tuluyan narin siyang pinayagang lumabas labas ng bahay ni Lola dahil malaki narin naman ang improvement niya simula noong naligaw siya ng landas. Hindi narin naman ako kumontra dahil hindi nanaman siya nagbibigay ng dahilan para pagdudahan siya. I can say that God really listens. I'm at the stage in my life where I could not ask for more. I'm contented of what I have right now and my heart is in the right place.

Mom always asked for forgiveness everyday. Daig ko pa ang ginago dahil sa tigas ko. But she never fails to work for it. Umupo na ako at hinayaan ko siya sa ginagawa. Habang pinagmamasdan ko siya galing sa likod I hate to say that life is truly short. Her hair were all gray and unti unti naring kumuba ang kanyang likod.

Pinanood ko siyang nilalapag sa hapag ang mga putaheng hinanda niya. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata nang siya mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Nagsalin rin siya ng juice para sakin.

"How's your day, Noelle?" She smiled.

More often I just ignore that question. But this time I manage to look into her eyes.

"It's pretty fine. How about yours, Mom?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Siguro dahil hindi siya makapaniwalang sasagotin ko iyon at mas lalong hindi siya makapaniwalang kinakamusta ko siya ngayon.

"I-I'm.. G-Good." Ngumisi siya habang may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"Masarap, Mom." Bumuhos ang mga luha ko habang tinuturo ang putaheng hinanda niya.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now