Tahimik kong pinagmasdan ang mga kaibigan kong di magkanda ugaga sa pagtili.
“Oh my gosh! I'm kinda excited na!” ani Paula at tumalon talon pa.
“Basta si Elsa ako ha!” ngumisi si Grace.
Nagtama ang paningin namin ni Jewel at agad siyang ngumisi. Siniko ko siya at inilapit ko ang labi sa kanyang tainga.
“Are you sure about this?” seryoso kong tanong.
She nodded. “Of course! proven and tested.”
Napangiwi ako. “Maganda kaya ang mga gawa niya? eh, iba naman yung theme ng debut mo kumpara sa akin.”
“Tumigil ka nga Monica. Sina Ariana Grande nga at Taylor Swift hindi kinwestyon ang abilidad niya. Ikaw pa kaya?” aniya at itinaas ang isang kilay.
Nang bumukas ang elevator ay matulin kaming naglakad patungo sa sinasabing office ng magiging designer ko.
“This way, Maam.” sabi ng nakapormal na babae at iginiya kami sa loob ng puting silid.
Bumungad samin ang isang babaeng naka pencil skirt at naka itim na blazer. Nakangiti niya kaming dinaluhan at binati.
“Good day ladies! I'm Ms. Akira Mendez.” aniya sabay lahad sa kanyang kanang kamay.
Malugod naming tinanggap ang kanyang kamay at nagsimula na kaming maghanap ng matitipuhang gowns. Ilang sandali ay nakapili narin ang mga kaibigan ko samantalang ako ay ni walang pumasa sa standards ko.
Pinagmasdan ko ang hawak kong kulay gold na gown. Kumikislap ang maliliit na diamonds sa dibdib nito at humahalik naman sa sahig ang pang ibabang tela nito. Malambot ang texture ng kanyang tela at magaan.
“Finally! after 4 hours of hunting, nakakuha narin.” pagpaparinig ni Isabela na ngayon ay humihikab na.
Napatawa lang ako at ibinalik ko ang dalang damit sa kanyang dating pwesto, bigo akong humarap sa kanila.
“Monica, this is an insult!” pagtatalak ni Jewel.
Wala nga akong matipuhan. Kasalanan ko ba?
“Maganda na yung hawak mo kanina.” mahinang sambit ni Grace na ngayon ay napakamot sa ulo.
Nasaksihan ko ang pagbukas ni Ms. Akira sa kanyang drower at naglakad siya papunta sakin. Nasa kamay na niya ngayon ang isang tape measure.
“I'm sorry, miss. But I can't find my ideal gown here.” pag amin ko.
Gumuhit ang tipid na ngiti sa kanyang mapulang labi. “It's fine. I'll make your ideal gown instead.”
Pagkatapos kong sabihin ang mga importanteng detalye tungkol sa gown na gusto ko ay umalis na kami. Malugod kong hinablot isa isa ang mga invitation cards sa bag ko.
Malugod itong tinanggap ni Theo at hinalikan ako sa noo. “Oh! thanks, Noelle. Ang sweet mo.”
“Wala namang matamis dyan.” mahina kong sambit.
Nanlaki ang mga mata ko nang naglahad siya ng kamay.
“Pahinging isa.” pag uutos niya.
Mabilis akong umiling. “What for?”
Umupo siya sa tabi ko at nangahas na makakuha ng isa pang invitation card. Mabilis kong inilayo ito sa kanya at nilagay ko sa loob ng aking bag.
“Ang damot mo.” pagreklamo niya.
“Ako ang mag bibirthday once and for all. Therefore, ako ang pipili sa mga bisita ko.” matigas kong sinabi.
Nagkiller smile lang siya sakin. Alam kong hindi ka basta basta nagpapatalo. May hidden plano yang pangiti ngiti mo nayan! Niyakap ko ang bag ko at tumayo. Alam mo yung feeling na takot manakawan?
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...