“Maam, pwede ko po bang pahiramin ng calculator si Qing?” tanong ko habang inilahad ko ang answer sheet sa kanya.
Tumaas ang kanyang isang kilay at tinaggap niya ang answersheet ko.
“No!” tanging tugon niya.
“Pero, Maam. tapos na po ako.” pagpapaliwanag ko.
She sighed. “What for? Para mas lalong lumaki ang ulo niya? Malinaw ang naging instructions ko, no calculator no exam. Hayaan mo siyang bumagsak.”
Bumagsak na ang aking panga. Napabaling ako kay Qing na ngayon ay nakatingin narin sa akin. Alam kong ayaw ko sa kanya, pero kailangan ko paring magpasalamat sa ginawa niya. Umayos siya sa pagkakaupo nang makitang nag martsa ako patungo sa kanya.
Dahan dahan ko itong inabot sa kanya ng hindi siya tinitingnan. "Thanks nga pala."
Ilang sandali akong ganon ang posisyon. Put**g in* para akong tanga. Ni hindi siya nag abalang tanggapin ito.
"Ganyan ka ba magpasalamat?" May paghahamon sa kanyang boses.
I cleared my throat. Aba! Nagpasalamat na nga e, anong gusto niya? Lumuhod pa ako at maglumpasay sa pagpapaka bayani niya?
"Oh, yes. May mali ba?" Itinaas ko ang isang kilay.
He shook his head and then glance at the other side.
Bumuntong hininga ako at napairap sa kawalan, fine! "Salamat po." Yun na yata ang pinaka malambing kong boses sa buong buhay ko.
Ngumuso ako nang makita ang kanyang poker face look. "What for?"
Luh, sira ulo. Ba't nagkalimutan naman yata bigla? Ang arte nito. Pinilit kong ngumiti at pasiglahin ang mukha ko. "Well, because you let me borrowed your calculator?"
Nag angat siya ng tingin at itinaas ang isang kilay. "Okay. So?"
Napasinghap ako. "That's why I'm saying thank you, gets?"
He nodded. "Ganyan ka ba magpasalamat?"
Tumango lang ako. Pakiramdam ko parang naging uto uto na ako ngayon. Hindi pa naman diba? Relax, Monica. May utang na loob ka na ngayon sa lalaking ito.
"Lagyan mo naman ng feelings!" He demanded.
Oh, okay! Tumuwid ako sa pagkakatayo and this time sinuklian ko na ang kanyang mga titig. "Thank you with feelings."
And now he looked disappointed.
Tinahak ko na ang Cafeteria at humanap ng bakanteng table. Luminga linga ako sa paligid sa pag asang matatagpuan ng mga mata ko si Vim. Parang naging langgam ang mga tao at may nakita pa akong nagtutulakan.
Binuhay ko ang cellphone ko at wala akong nakitang kahit isang mensahe galing kay Vim. Sabi niya, sabay kaming mag lu-lunch pero bakit wala parin siya? natigilan ako nang may narinig akong vibration galing sa aking tyan. Napahawak ako dito at kinagat ang pang ibabang labi.
Napatuwid ako sa pagkakaupo nang may pumisil sa baywang ko.
“Bullshit!” bungad ko sa nakangising si Theo.
“Chill!” aniya at nilapag ang inorder niyang mga pagkain.
“Umalis ka nga. May nakaupo na dyan.” saway ko.
“You sure? May third eye ka na pala ngayon.” he laughed.
Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka maong jacket siya at gray pants, may takip na sombrero rin ang kanyang ulo. Mukha siyang cowboy na arabo haha.
“I'm not kidding, Theodore. Stop wasting my energy.” mahina kong sambit.
Napawi ang ngiti niya. “You don't look fine. Namumutla ka.”
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...