Kabanata 46

16 1 0
                                    

"Monica! Wait!

Isasarado ko na sana ang pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni Paula.

"Ano?"

Agad niyang hinarang ang kanyang katawan sa pintuan.

"I'm sorry dahil sakin napagalitan ka ni Theo kanina. Hindi ba't ganon naman talaga? Kapag mahal mo dapat ipaglaban mo ano mang mangyari. Kung ako sa posisyon mo kahit maging desperada ako ayos lang. Kakalimutan ko ang lahat at kakainin ko ang pride ko just to win him back. Pero nasa saiyo naman ang desisyon kung ano sa tingin mo ang tama. Hindi na kita pipilitin." She bowed her head.

I sighed. "Alam nating lahat kung ano ang tamang gawin yun ay ang lumayo at huwag na silang guluhin pa. Pero.. gusto kong subukang sumugal kahit isang beses lang sa buong buhay ko. Para masabi ko sa sarili kong nagawa ko siyang ipaglaban at ilaban itong nararamdaman ko kahit na bawal. Kahit na huli na ako. Gusto ko lang namang subukan.. bakit pakiramdam ko ayaw ibigay sakin ng mundo itong laban na to? Pakiramdam ko ipinagkait na ito sakin."

Bumuhos na parang ilog ang hula ko. Hindi niyo man ako maintindihan.. kontrabida man ako sa paningin niyo o sa kwentong ito.. nasa sainyo yan. Basta ito ang kwento ko! Ito ang side ko. Sana subukan niyo rin akong intindihin.

Niyakap niya ako at humagulhol ako sa kanyang dibdib.

"Hindi ka nag iisa. Ano paman ang desisyon mo.. susuportahan kita. Huwag mo ng isipin si Theo at ang mga sinabi niya sayo kanina. Masaya ako para sayo kasi ngayon.. nagagawa mo ng ibaba ang pride mo at maging matapang. Umabot man ng dekada bago mo pa naisipang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya. Naniniwala parin akong.. hindi pa huli ang lahat." She cried.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag ayos ng mukha. This is my last night here I'll make this night remarkable. Isinuot ko ang pulang bestida sakto itong yumakap sa aking katawan at sinadya kong ipakita ang aking dalawang yaman. Hinubad ko rin ang aking eye glasses at agad na isinuot ang aking contact lens dahilan ng paglaki ng bahagya ng aking eye balls.

Isinuot ko ang puting stiletto at tinuldukan ko ang pag aayos pagkatapos kong maglagay ng pulang lipstick sa aking maliit na labi. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong nakasalubong sina Paula at Theo sa hallway. Nababakas sa mukha ni Paula ang pagkamangha at agad niya akong ginawaran ng ngiti.

Si Theo naman ay dismayado parin ang mukha. Mukhang gusto niya parin akong sermonan hanggang ngayon ngunit agad siyang pinigilan ni Paula. May ibinulong ito sa kanya dahilan ng kanyang pagkalma.

"See you later." I smiled.

Theo nodded and Paula smiled back at me.

"Goodluck!" She whispered.

Ilang beses kong tinext si Qing pero kahit isang beses hindi siya nagreply. I have called him multiple times already but he didn't answered. Sinabi ko sa kanyang hihintayin ko siya sa restaurant at 8pm itenext ko rin sa kanya ang address.

Pinaglaruan ko ang isang baso ng wine habang panay na ang pananaboy ng manager ng restaurant. Aniya ay hanggang 10 pm lang daw sila. Pero wala akong pakialam! Kahit dito na ako matulog ay ayos lang sakin.

"I can pay double. Just let me stay for another 30 minutes!" Pagpupumilit ko.

"Maam hanggang 10 pm lang po talaga kami. Kung gusto niyo pong maglasing may mga bar pa namang bukas sa kabila. Pasensya na ho pero kailangan na naming magsara."

Umarte lang akong parang walang narinig. Kahit gusto ko ng ibuhos itong wine sa pagmumukha niya.

"Maam hindi na ho darating ang hinihintay niyo. May mga pamilya rin ho kaming naghihintay sa amin. Kailangan na ho naming magsara." Pag uulit niya.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now