Ako
Don't you dare make fun with me, Zoreifel!
Napasinghap ako at napaisip. Mabilis na sumagi sa isipan ko ang awra niyang laging nakangisi. Naku! masamang pangitain ito!
Qing
Gusto kita, okay lang ba?
Natigilan ako. Biglang nag flashback sa isipan ko ang mga panahong palagi niya akong iniinis.
"Ang pangit mo."
"Umarte ka ng naaayon sa ganda."
Enough! Hinilamos ko ang aking mga palad. So nagpapapansin lang siya all this time? Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at pinigilan ang nagbabadyang pagngisi.
Ako
As long as hindi mo ako bweni-bwesit!
Pinatay ko na ang ilaw at nagpakalunod na sa comforter. Tumalbog ang puso ko nang tumunog ulit ang cellphone ko. Kinapa ko pa ito sa ilalim ng unan ko.
Qing
Okay lang bang maging girlfriend ka?
Naestatwa ako. Parang ang bilis naman yata? wala bang ligaw muna? Magtitipa pa sana ako ng reply nang sumulpot nanaman ang mensahe niya.
Qing
https://m-youtube.com/watch?V=C14Rrsb-800
Mabilis kong clinick iyon. Sumikip ang dibdib ko at umusok ang ilong ko nang tumambad sa akin ang youtube. Bwesit! kanta pala yon!
Qing
Sleep well, Monica. Keep fantasizing!
Gago! pinatay ko na ang cellphone ko at hinilamos ko ang aking mga palad. Ano yon, prank? Hmp! Natagpuan ko nalang ang sarili kong tulala sa kama. Pinukpok ko ang aking cellphone sa aking noo. Umayos ka nga! Huwag mong sabihing disappointed ka? Hindi, no!
“Okay, I'll give you 1 hour to prepare.” kalmadong sabi ni Maam Marianne.
Nabulabog ang lahat at hindi magkanda ugaga sa pag aayos ng kani-kanilang designs at props ang mga kaklase ko. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga katagang sasabihin ko mamaya. Napadilat ako ng wala sa oras nang may kumalabit sa balikat ko.
“Anong sainyo?” nakangiting taong ni Isabela na ngayon ay naka pulang jacket.
“Boracay.” tipid kong sagot.
Inayos niya ang kanyang dalang dslr camera at bumaling sakin. “Weeh? parang di naman.”
Bumaling ako sa area namin at nahagip ng paningin ko ang mga ka grupo kong abala sa pag set up ng mga gamit. Agaw pansin ang mala 3D sunset na ipininta ni Trisha. Bumaba ang paningin ko sa maputing buhangin, totoong buhangin talaga ito hindi nga lang sa boracay mismo. Well not bad, dahil nabigyan naman nito ng hustisya ang mala papel na buhangin sa aktuwal na isla.
Dahan dahang ipinwesto ni Maica ang maliit na bangka sa asul na tela na nagsisilbing dagat. Abala rin si Theo sa pag set up ng sound system at nagpakawala rin siya ng isang malumanay na tunog ng alon. Binalikan ko ang mga mata ni Isabela.
“Ano bang sainyo?” seryoso kong tanong.
Ngumisi siya at itinuro ang area nila. “Yun oh.”
Nakita ko ang napakadaming strawberries na sumasayaw sa ere. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga ka grupo niyang naka jacket na ngayon at may scarf sa kanilang leeg.
“2 Days lang naming pinaghandaan niyan.” wika niya.
Sinuri ko ulit ang mga palamuting nakapalibot sa area nila. “Isabela-
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...