Alas dies ng umaga nang nagpasya kaming mag breakfast. Hindi kasi namin namalayan ang takbo ng oras dahil nabubusog kami sa mga magagandang spots sa islang ito.
Naglalakad kami papunta sa mga nakahilerang mga kainan at napili naming pasukin ang isang maliit na restaurant. Bukod sa kabigha bighani ang mga palamuti nito ay balita ko'y masarap raw ang mga seafoods dito.
Mabilis kaming umupo sa isang round table at minabuti ng umorder.
“Balita ko may night party raw dito.” panimula ni Grace.
“Talaga? kailan?” maligayang tanong ni Isabela na ngayon ay abala sa paglalaro ng usok ng sigarilyo.
“Night party nga diba? Malamang gabi yon.” sabat ko.
“Oo nga no? ang galing!” natatawang sabi ni Paula at nagawa pang pumalakpak.
“Gora tayo?” Jewel asked and then smiled.
“Tumigil kayo, maaga pa ang uwi natin bukas.” saway ko.
Natigil ako sa pagsasalita nang nasaksihan ko ang swabeng pagpasok ni Qing, naka puting sando lang siya ngayon at isang asul na shorts nakatali rin ang kanyang mahabang buhok. Di hamak na mas matangkad pa siya ng kaunti sa pinsan kong si Theo at tsaka mas makinis. Ewan ko ba, pero hindi ko kasi type yung may begote katulad ni Theo. Taliwas naman si Qing sa kanya dahil malinis at maaliwalas ang kanyang mukha.
“Pinsan mo oh!” ani Paula sabay siko sakin.
Tumango lang ako. “Eh, ano naman? anong gusto mo? yayakapin ko?”
Ngumuso siya at humilig sa kanyang upuan. “Bawal ka bang e inform? tss.”
Nang dumating na ang aming order ay gayundin ang pagtama ng paningin namin ni Qing sa kabilang table. Ngumiti siya sakin, alam mo yung ngiti na para bang may binabalak siyang masama? ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti para siyang isang nakangising demonyo.
Ilang sandali ay nagsiupuan na ang mga magagandang babae sa table nila. Batid kong hindi lang pangkaraniwang mga babae yon dahil sa tindig at ganda nila ay sigurado akong mga modelo sila. Kanino kayang mga chicks ito? sa pinsan ko o kay Qing? Or both? Whatever!
Gayun paman ay pinili ko nalang mag focus sa pagkain. Ang amoy ng preskong mga alimango ang pumukaw sa mistulang natutulog kong tyan.
"Diet ka?" Kuryosong tanong ni Isabela nang mapansing hindi ko pinansin ang kanin.
Mabilis akong umiling. "Hindi naman."
Napawi ang ngisi niya. Batid kong may plano pa yata siyang humingi ng ulam ngayon. Hindi pa na kontento, nag angat siya ng tingin kay Paula na ngayon ay di magkanda ugaga sa paglasap sa mga pagkain.
"Oh?" Si Paula.
Hilaw na ngumisi si Isabela. "Syempre hindi ka nag di-diet. Alam naman ng lahat yon."
Mahinhin na tumawa si Grace at ganon din si Jewel.
"Grabe, ikaw na! Hindi nga ngayon kasi nga bukas pa!" Ani Paula na nagawa pang magsalita kahit puno na ang kanyang bibig.
"Don't talk when your mouth is full. Tunog baboy ka." Saway ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata at matalim niya akong tinitigan. "Pakyo ka!"
Tumawa ako at tinanggap ang high five ni Isabela.
"Isa ka pang kulot ka!" Si Paula kay Isabela.
Pagkatapos naming kumain ay hindi na ako nag abalang bumaling pa sa kabilang table. Well, busy naman ang mga kuya niyo sa pagtikim ng iba't ibang putahe. Umirap lang ako nang marinig ko ang halakhak ng mga babae. Wow ha! Parang kinikiliti lang ng demonyo ah?
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomansaNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...