I cannot hide my smile the moment I saw the spark on Jewel's face. After she's been through, she truly deserves a happy ending. I know she considered this day as the best wedding ever in her life and I'm happy for her.
"Monica, ano na? Nakabalik na si Jewel at nagpakasal. Tas ikaw.. tigang parin?" Panunuya ni Isabela.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pakikinig sa magandang babaeng umaawit. Bongga talaga tong reception nina Jewel at Ludociel muntik ko ng makalimutang hindi pala ito concert. Inimbitahan ba naman ang mga sikat na singer sa bansa nahiya na tuloy ang pambato naming si Paula.
"Siguro hindi parin ito nakaka move on. Tigang ba? Ay este, siya parin ba?" Ngisi ni Paula.
Itinaas ko ang isang kilay at ibinaba ang hawak kong wine glass. "Kailan niyo ba ako titigilan?"
Nagkatinginan sila at palihim na ngumisi. Nananadya ba sila? E ano naman kung wala akong boyfriend? Hindi ko na kailangan yon. I'm contented with my life right now. I don't need a man to complete me.
Grace was trying to hide her smile when our eyes met. Isa pa to.
Though I tried to date some guys for the past years but I don't have the vibe to get into serious relationship. Palaging may kulang. Lahat naman sila ay nagmula sa mga mayayamang pamilya at successful na in life pero parang wala pa sa kondisyon ang puso ko. Kahit gustohin ko mang mag try.. ayaw niya talaga! Hindi ko feel. It's weird and I don't know why.
Dad is not getting any younger. After I graduated ako na ang humalili sa kanya. Mas lalong namayagpag ang kompanya namin simula noong ako na ang namuno dito. Naglabas ako ng bago at modernong mga disenyo at naging hands on din ako sa shop. Pinagpatuloy ko ang lahat ng sinimulan ni Dad. Lola Inse was also proud and happy of the result of all my hard works. On the other hand, I still paint in fact, may exhibit ako every year na si Lola mismo ang nag o-organize. Isn't it ironic?
For the past years I can say that I was successful. I am successful in my career and in life. Pero sa tuwing tinitingnan ko ang mga kaibigan ko.. parang may kung anong kirot akong nararamdaman sa puso ko. Sa aming lahat ako ang nasa tuktok.. they lived a simple life they are all happily married and living their lives into the fullest. But how about me? Napag iwanan na ba talaga ako? Hindi pa naman. Like, hey! I'm just 32 though.
"Kami na ho dito mam. Dapat po ay naroon lang kayo sa opisina." Pambabara ni Mang Arnel.
"Ayos lang ho." I smiled.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong sinasabayan silang magpukpok ng mga kahoy at pakintabin ito. Hindi ko maiwasang matawa nang maalala kong minsan ko naring sinaway si Dad noong high school sa pinaggagagawa niya. Pero heto ako ngayon, dinudumihan ang kamay at pawis na pawis na.
Naalala ko rin noon sa mismong araw ding iyon na napadpad si Theo dito at ilang sandali kaming nagbangayan. Hanggang sa dumating si Qing at pwersahan nila akong isinama sa basketball game nila at ginawa lang naman pala akong P.A!
"Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan, mam. Kung sa bagay nakakatawa naman talaga itong itsura ko." Tumawa si Mang Arnel.
Natigilan ako. Tumawa ba ako?
"Hindi naman po ako tumawa."
"Itong si mam ayaw pang aminin. Wala namang masama doon. Mas bagay nga iyon sayo mas lalo kayong gumaganda." Pag amin niya.
Agad kong binitawan ang hawak kong mga kahoy at tumayo na. Kinikilabutan ako sa matandang to.
"Mam, galit po ba kayo? Pasensya na, mam." Sigaw niya.
Tuluyan na akong pumasok sa aking opisina at inabala ang sarili sa mga paper works. Pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay para magpahinga. Ganon ko lang pinapalipas ang araw ko minsan kapag bored ako pagpipinta agad ang tatakbuhan ko.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...