Pagkadilat ko nang aking mga mata ay bahagyang umikot ang paningin ko. Nasapo ko ang aking noo nang natagpuan kong hubo't hubad ang aking katawan.
Nanlamig ako at bahagyang pinukpok ang aking ulo. Ano bang ginawa ko? Nanlaki ang mata ko nang maalala ang lalaki kahapon. Hindi kaya.. Wahhh! Sumigaw na ako sa kahihiyan.
"Ano pong problema, Mam? Kamusta ang pakiramdam niyo?" Si Betty, kakapasok lang ng silid.
Napakurap kurap ako. Mas lalo lang akong nanlamig nang makita siya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
Napatakip siya ng kanyang bibig at mahinhin na tumawa. Anong nakakatawa?
"Manang, Lucia!" Sigaw ko at luminga linga sa paligid.
"Hindi ko lubos maisip na ikaw pala'y likas na mapagbiro. Iyo na bang nakaligtaan na dito ako nagtra-trabaho?"
Parang kinalabit ako ng kahihiyan. Kinusot ko ang aking mga mata at sinuri muli ang paligid. Madilim ang silid na ito at puro mga dark colors ang mga Interior Design, pati narin ang kurtina. Confirm! Hindi ko ito kwarto! Wahhh!
"Oh siya, at ipagluluto kita ng sabaw nang mahimasmasan ka." Aniya at umalis.
"S-Sandali! B-Betty!" Sigaw ko.
Hindi siya natinag at tuluyan na nga niya akong iniwan. Napabaling ako sa maliit na table na katabi lang ng lampshade. May isang itim na t-shirt doon at kaagad ko itong isinuot. Mabuti at kahit papaano ay may underwear pa ako.
Sinuri ko ang buong kwarto. Ano ba itong guestroom nila at wala namang kabuhay buhay? Hindi man lang general ang design parang napaka specific. Hindi ba sla nag iisip na hindi mo naman mahuhulaan kung sino ang darating mong mga bisita?
Papano kung ang magiging bisita nila ay katulad ko na mahilig sa maaliwalas na paligid at light colors. Well, hindi naman siguro sila katulad kong mapapel at macomment.
Parang tumigil ang mundo ko nang nasaksihan ko ang swabeng paglabas ni Qing galing sa bathroom. Malayang nagpakita ang kanyang abs. Bumaba ang aking mga mata sa kanyang V line. Napalunok ako nang bahagyang may bukol akong nakita roon.
"Mornin." He said.
Nag angat ako ng tingin. "Si Henry?"
He smirked. "Umagang umaga ibang lalaki nanaman ang hinahanap mo."
"He's with Myrna." he added.
Nasapo ko ang aking noo. Bakit ko ba nasabi yon? I sighed. Alright, mag isip ka ng mabuti, Monica. So nandito ako sa bahay ni Qing at hindi ako nakauwi sa bahay sa sobrang kalasingan.
At ngayon nandito siya sa harapan ko kakatapos lang maligo. Nanlaki ang mata ko sa naisip. So kwarto niya ito? Napaatras ako at napaupo sa kama. Ibig sabihin..
Hinarap ko na siya. Bahagya siyang ngumisi at mukhang naghihintay sa sasabihin ko. Hindi pa siya nakapag salita ay sinampal ko na siya.
"You pervert! Pinagsamantalahan mo ako! Ipapakulong kitang hayop ka!" I cried.
Bumagsak ang kanyang panga at mabilis akong dinaluhan. Tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang malaking kamay.
"Shut the fucked up!" He whispered.
Bumuhos na ang mga luha ko. Gusto kong sumigaw at magwala pero nanghihina na ang katawan ko.
"Help!" It was almost a whispered.
Nabuhay ang pag asa sa puso ko nang bumukas ang pinto. Iniluwa roon si Mr. Avelardo na ngayon ay napaawang ang labi.
"Anong nangyayari?" He asked.
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
RomanceNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...