Maligaya akong umahon sa kama at nagawa ko pang humedbang headbang habang bumababa ng hagdanan. Whoooh! it's my day!
Naabutan ko sina Mommy at Daddy na abala sa kani-kanilang mga telepono.
“Good morning, Mom. It's my day!” nakangiti kong sambit.
Nag angat sila ng tingin sakin habang nasa tainga parin ang cellphone.
“Yes, I'm coming. Painomin niyo lang muna ng antibiotic.” si Mommy at sumulyap sa kanyang relo.
Napangiwi ako at si Daddy naman ang pinagdiskitahan ko. Niyakap ko siya galing sa kanyang likuran at sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang kilikili.
“Dad, where's my gift?” maligaya kong tanong.
Tinitigan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Bahagya siyang dumistansya sa akin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
“Yeah, gusto kong makita kung gaano ka lawak ang lupain, ikuha mo narin ako ng matinong engineer.” patawang sinabi ni Daddy.
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga kuko. Nabuhay ang damdamin ko nang tinawag ako ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit namuo ang mumunting luha sa mga mata ko nang makita ko siyang naka uniporme na ngayon.
“Hon, mauna na ako may emergency. Ikaw na ang maghatid kay Monica sa venue.” ani Mommy at hinalikan si Daddy sa pisngi.
Hindi ako nakagalaw. Lumapit si Mommy sakin at tinapik ang balikat ko. “I have to go, honey. Enjoy your day! Happy birthday.”
Nanuyo ang lalamunan ko at nasilayan ko nalang ang matulin na paglalakad ni Mommy palabas ng bahay. Napabaling naman ako kay Daddy na ngayon ay masayang nakikipag usap sa katawagan niya. Napaatras ako at bigong umakyat ng kwarto.
Pagkabukas ko ng aking cellphone ay mabilis na nagsulputan ang mga mensahe ng mga kaibigan ko. Umaapaw ang tuwa at pagkairita ko nang nagkalat ang stolen pictures ko sa social media. Kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan matagal ko na talaga kayong blinock!
Theodore Salvego
Hbd!
Wow ha! nakakaantig ng damdamin. Kulang nalang maglumpasay ako sa kakaiyak.
Jewel Louise Lopez
Surprise! may ibibigay ako sayong dalawang libro!
Gago, pano naging surprise yon?
Pinatay ko ang aking cellphone ng may ngiti sa aking labi. Tumalbog ang puso ko nang makitang si Ms. Akira mismo ang naghatid ng gown ko. Dala niya ang isang malaking box na may ribbon sa gitna nito at mabilis ko itong binuksan.
Napaawang ang labi ko nang nasilayan ko ito. Wala akong makapa na tamang salita para ilarawan kung gaano ito ka ganda. Nabulabog ang pag iisip ko nang may naramdaman akong kumalabit sakin.
Naaninag ko kaagad ang baklang nakangisi sa akin. Kulot ang kanyang buhok, naka floral tshirt siya at nakamaikling maong shorts. Agaw pansin rin ang kanyang makulay na pamaypay.
“Tara na, darling. At mahabang ayosan pa ang kakailanganin natin.” aniya.
Wow. Grabe naman sa mahabang ayosan. Tumango lang ako at pumwesto na ako sa harap ng salamin. Napapikit ako habang nilalagyan niya ang mukha ko ng foundation.
“Na rebond na ba, itey?” aniya habang nakahawak sa makapal kong buhok.
Ngumuso ko. “Not yet.”
“Try mo beh. Gora na ako sa onepayb.” ngumisi siya habang sinusuklayan ang buhok ko.
“Ang mura naman yata?” nakakunot noo kong tanong?
YOU ARE READING
Every Chase Has It's Ending (Completed)
Storie d'amoreNag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buha...