Kabanata 18

11 2 0
                                    


Hinilamos ko ang mga kamay ko at yumuko. Shit! Ilang sandaling bumaling si Sir sakin bago nagsimulang magsalita. When I noticed that the mood is now back to normal, I glance at him.

"Ano bang ikinagagalit mo?" I asked.

Pagod siyang bumaling sakin and then his serious eyes surveyed me.

"Malinaw ang sinabi ni Maam sakin kahapon na sabay tayong mag aaral simula ngayon."

Napaismid ako, ang sagwa paring pakinggan.

"Sabay tayong mag aaral simula ngayon."

"Pero hindi niya sinabing sabay tayong pupunta ng school!" Itinaas ko ang isang kilay.

Ilang sandali ay tahimik akong tumayo at nagtungo sa comfort room. Pagkatapos kong maghilamos ay tumunog na ang cellphone ko.

“Monica.” mahinang sabi ni Vim.

At last! tumawag narin.

“Yeah? where are you?”

He sighed. “Nabalitaan ko ang nangyari sayo. I'm sorry, that time masama ang pakiramdam ko.”

Napatango ako. “It's okay. Magaling kana ba?”

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. “I'm still recovering. I'm sorry I can't fetch you however, I have something for you. Binilin ko sa guard kunin mo nalang.”

“Thank you. Can I visit?” seryoso kong tanong habang pinagmamasdan ang aking repleksyon sa salamin.

“No! baka mahawa lang kita.” mahina niyang tugon.

Sa boses niya palang ramdam kong hirap at nanghihina siya. Pagkabalik ko ng classroom ay agad akong nagtungo sa upuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong mga pagkain sa desk ko. May tatak pa itong pangalan ng isang tanyag na fastfood chain.

“Ayaw mo? sakin nalang!” maligayang sambit ni Paula.

Nakakunot noo parin ako habang naghahanap ng note pero wala akong mahanap! ito na kaya ang sinasabi ni Vim? how sweet!

“Sinong nagbigay nito?” seryoso kong tanong habang nakatingin sa mga kaklase ko.

Sabay nilang tinuro si Qing na ngayon ay nakahilig sa kanyang upuan. Nakalugay ang kanyang buhok at nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang pumuri sa kanyang natural na postura.

“Tingin ko mas matutunaw pa si Qing kaysa sa mga pagkain.” si Grace at tinapunan ako ng isang makahulugang tingin.

Mabilis kong binalik ang mga mata ko sa mga pagkain. Kinuha ko ang isang burger at inilahad ko sa mga kaibigan ko ang natitira pang mga pagkain.

“Kaya kong bilhin yan.” ani Isabela

Umaarte nanaman si hija.

“Pwede mo namang sabihing ayaw mo.” inirapan ko siya at binigay ko nalang ito kay Paula.

“Mabuhay ka Monica! you're so kind!” nakangising sambit ni Paula at tinanggap nya ito.

Itong babaeng to wala talagang plano sa buhay puro lantakan lang ang alam. Natigilan siya nang makitang pinapanood ko siya.

"Chubby ba ako?" She asked.

Hala, nagtanong pa talaga. "Hindi. Hindi naman."

Ngumisi siya at mukhang nakahinga sa narinig.

"Kung ganon, eh ano ako?" She smiled.

"Baboy ka." Tugon ko.

Halos napaubo siya sa narinig. Napaluha rin siya nang lumabas sa ilong niya ang kaunting kanin. Pero kahit ganon ay nagawa niya paring mag angat ng tingin. "Pakyo ka!"

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now