Kabanata 47

20 0 0
                                    

Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi ng buhay ng gabing iyon. Paula called me thousand times ang sabi pa ni Theo ay lalapit na siya sa pulis kapag hindi ko pa sinagot ang tawag niya. Umuwi na ako kahit dis oras na ng gabi. Kahit luhaan at wasak ang puso. Wala akong ibang kailangan ngayon kung hindi ang pamilya ko.

Iniisip ko palang yung mga panahong iniwan ko si Qing naluluha na ako. I'm sure it was tough more than I could imagine. Kung titignan ko siya ngayon ang laki na ng pinagbago niya. I'm sure Zhavia was there to fixed him and encourage him to give life a second chance. She was there at his worst and still there at his best.

Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya when it comes to the way she take care and love Qing.. wala akong masabi. Nahihiya ako sa sarili ko kasi ang layo ko. Kung maibabalik ko lang sana yung panahong maayos pa ang lahat.. yung mga panahong masaya kaming nagmamahalan.. sana minahal ko siya ng tama. Sana naghanap ako ng kahit isang rason para manatili sa tabi niya.

Sana na appreciate ko man lang ang lahat ng isinakripisyo niya para sakin. Yung simpleng pagliban sa klase para lang madaluhan ako lalo na sa oras ng kagipitan. Naalala ko pa noong may menstruation ako noong high school sumugod agad siya doon para lang madalhan ako ng napkin at damit. Wala akong matandaang nagpasalamat ako sa kanya noong mga panahong iyon. Kung nagawa ko man.. good for me.

Isang katok ko palang sa aming pintuan ay bumukas agad ito. Bumungad sakin ang malungkot na mga mata ni Daddy. Walang nagsalita sa amin at agad kong ibinagsak ang aking mukha sa kanyang dibdib. Sobra ang panginginig ng balikat ko kaya tinapik niya ito.

"You'll be okay, anak." He whispered.

I nodded without saying a word.

Hindi na siya nagtanong pa kung napano ako at bakit ganito nalang ako kung mag drama. Hinatid niya lang ako sa kwarto ko.

"Napaaga ang uwi ko Dad cause I missed you." I laughed.

Tumawa siya at umiling. Alam kong hindi niya pinaniwalaan iyon. Nauna siyang pumasok sa kwarto at umupo sa aking kama. Agad naman akong sumunod sa kanya. Binuksan ko ang bintana at nasaksihan namin ang nagkalat na mga bituin.

"Kung may oras ka.. sana subukan mong patawarin ang sarili mo." Mahina niyang sambit.

Nag angat ako ng tingin. Wala siyang salamin ngayon kaya maliwanag sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"I don't know how. I can't. My head is keep on reminding me with my stupidities back then." My voice was shaking.

"Because you were young. Noong kabataan ko nakagawa rin ako ng mga hindi dapat, nakasakit rin ako at naging gago and that's normal dahil dyan tayo natututo. Kaya ngayong matanda na ako mas pinipili ko nalang saktan ang sarili ko kaysa saktan ang taong mahal ko." He smiled.

"Dad."

"Sa edad kong ito wala na akong panahong isipin pa ang sarili ko. Matagal na akong naging makasarili sa pag ibig. Marami akong nasaktan at pinagkaitan ng pagkakataon. From now on, I'll make your Mom finally happy w-with.." pumiyok na ang kanyang boses.

Nagulantang ako nang binanggit niya si Mom. High school palang ako ramdam ko na ang lamat sa kanilang relasyon. Binalewala ko lahat ng nakikita at nararamdaman ko because I always dream of a complete and happy family. I knew we were, hindi ko lang alam kung kailan iyon natapos.

"With.."

Mahigpit kong hinawakan ang kumot. Gusto ko siyang pigilan na huwag niya nalang sanang ituloy ang sasabihin niya dahil hindi ko ito magugustohan.

He looked at me with a smile of his face. "With someone she truly loved."

"Hindi totoo yan, Dad! why are you saying this? Are you sick?" Paulan kong tanong.

Every Chase Has It's Ending (Completed)Where stories live. Discover now