[IKEY’S POV]
Kawawa naman akong nilalang!
>__<
Haist!!
Tama ba namang maging photographer ngayong Valentines Day?
Di ko naman to hilig eh. Amp!
Ibang klase talaga si Kurt. Lagi nalang istorbo kapag matutulog ako. Wala kasi akong kadate ngayong araw ng mga puso.
Reason?
Ayoko lang. Sobra kasi nilang dami. So para hindi magkainggitan. Wala nalang akong pinili. Hehe. Para walang masasaktan di ba? Walang maiinggit.
Fair ako sa kanilang lahat eh.
Dapat nga ako yung magbibigay ng roses and chocolates sa mga girls ko pero dahil nga marami sila. Mauubos ang cash ko kaya hindi nalang din. Baka maghirap ako pero kung si Son nalang mas okay pa sakin. Kaso may Kurt na yun at Alex eh. Baka sumpain ako nung dalawa kapag binigyan ko ng chocolate si Son.
Pero meron talaga akong ibibigay. Di ko lang alam kung paano ibibigay. Sobra niya kasi yung favorite.
But anyway! Andito nga ako. nakabuntot dun sa dalawang love birds na hindi naman mukhang love birds. Haha! parang bata talaga si Son. Takbo ng takbo kaya naman naiiwan lang si Kurt.
Nag-eenjoy din naman ako kahit papano. Lagi kasing nakangiti si Son.
“asan na yung damit?” tanong sakin ni Kurt ng makalapit siya sakin. Yung damit na tinutukoy niya is yung couple shirt na ako talaga ang pumili. Wala namang alam si Kurt sa mga gusto ng babae. Ako kaya ang nakaisip ng ganitong date. Ako lahat ang nag-isip. Kahit yung pagsigaw kapag nasa top na yung sinasakyan sa ferris wheel. Ako lang din may sabi nun kay Kurt.
Akala ko nga hindi gagawin eh pero ginawa ng loko. Haha! kaya naman sobrang saya ng Prinsesa namin eh.
Binigay ko na sa kanya yung couple shirt na galing sa bag ko.
“sigurado kang magugustuhan niya to?”
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romantik[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...