CHAPTER 32: OFFICIALLY!

3.2K 108 7
                                    

[SON’S POV]

Pinapasok ko na sa loob sila Miku. Ayoko naman silang kausapin sa labas at wala namang mauupuan dun. 

"Ang galing mong kumanta, Ikey-baby ah? Idol na kita. Haha!" natatawa kong biro kay Ikey. 

 

"psh!" reak ni Miku. Katabi ko si Miku sa upuan habang nasa parehong single couch lang sila Ikey at Drew. 

"Oh well," nagkunwaring kiniclear ni Ikey ang kanyang lalamunan, "in born yan, Son-baby." 

"She's just kidding." supladong sabi ni Miku. 

"Naniwala naman. Haha!" Drew. 

"You're kidding, Son?" inosenteng tanong ni Ikey sakin. 

Siniko ko naman si Miku sa tagiliran. 

"Bakit?" medyo supladong tanong nya sakin. 

"Ingay mo kasi." bulong ko sa kanya. 

"Totoo naman, diba?" 

"Oo nga, pero kasi. Ayan tuloy di ko na alam isasagot kay Ikey-Baby." 

"Tss!" sabi nya lang at badtrip na nag-iwas ng tingin. 

"Ui, Son-baby, pansinin mo naman ako. Are you kidding when you said na magaling akong kumanta?" pangungulit ni Ikey. 

"hehe." pano ko ba sasabihin. "Ikaw kaya pinakamagaling, Ikey-baby. Medyo out of tune lang." 

"Haha! Gotcha! I know naman na wala akong talent sa pagkanta. Alam ko rin na nagbibiro ka lang. Nadala lang ako kanina dahil halos lahat kumakanta." Ikey 

"Ikaw talaga, Ikey. Pero infairness naalala ko na andun ka pala nung kumanta ka." 

"haha! Galing ko no, Son-baby? Videoke tayo minsan." 

"Sige ba? Duet tayo. Excited na ako." natutuwa kong sagot with matching pagpalakpak pa. 

"ehem." 

Napatingin ako kay Miku sa tabi ko. 

"We better go, Ikey." sabi ni Drew kay Ikey. 

"bakit?" tanong ni Ikey. "Nag-eenjoy pa akong kausap si Son." 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon