CHAPTER 79: COMING BACK

2.7K 56 7
                                    

[Son's PoV] 

"So--Colleen, nakapili ka na ba?" 

"Ha?" napatingin ako kay Angel na nagdadrive. Papunta kaming Glorietta ngayon. Magshashopping daw si Angel for Christmas at nagpasama siya sa akin. Pumayag naman ako para naman mabago bago ng konti ang atmosphere. 

"Nakapili ka na ba kung aling pangalan ang pipiliin mo, Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria," tumingin siya saglit sa'kin at ibinalik ang tingin sa daan. 

"Oo." Napagdisesyonan ko na kung ano ang pipiliin ko. Ang bilis ko ngang makapili, nakatulong kasi ang pag-uusap namin ni Papa. 

"Alin ang pinili mo?" 

Nakagat ko ang lower lip ko. "Colleen Mae Austria," sagot ko at tumingin sa labas ng kotse. Naramdaman ko na naman ang luha na nagbabadyang pumatak kaya dali dali ko iyong pinahid. 

"Ow! Bakit naman? Ayaw mo ba kay Princess Allison? Dahil ba tagapag mana ka kapag pinili mo si Colleen Mae?" 

Napatingin ako kay Angel sa sinabi niya. "Hindi ko naisip na tagapag mana si Colleen Mae kaya ko siya pinili. Ito lang kasi ang pinakatamang desisyon." 

"Really? So bakit nga si Colleen Mae ang pinili mo!?" 

Napatingin ako sa palad ko na nakapatong sa binti ko. "Dahil ayokong malungkot si Papa kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Ayaw kong malungkot si Lolo kapag nalaman niyang ayokong maging Colleen Mae. Nangulila siya sa'kin for about fifteen years at ngayon lang niya ako nakasama. Ayokong pagkaitan siya ng apong hinanap niya for fifteen years." 

"Pero masaya ka ba sa disesyon mo?" 

Hindi ako sumagot. 

"Hindi mo ba alam na maeerase na parang hindi nag-exist si Princess Allison kapag pinili mo si Colleen Mae. Lolo can do that and also, okay lang ba sa'yo na mawala lahat ng taong malalapit sa'yo noong Princess Allison ka? Kahit si Kurt pwedeng mawala." 

Natigilan ako. "Kahit si Miku?" 

"Oo, lahat nga di ba? So pag-isipan mong mabuti kung gusto mo talagang maging Colleen Mae."  

-------------

"Bakit?" napatingin ako kay Angel ng marinig ko siyang sumigaw. Nasa isang Botique kami at namimili siya ng dress. 

"Wala akong gagawing masama sa kanya kaya wag kang mag-alala," tumingin saglit sa akin si Angel at ngumiti. 

Ngumiti din ako sa kanya at tumingin nalang ulit ako sa mga dresses na andito. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon