CHAPTER 74: CHAT PART 4

2.9K 59 5
                                    

[Son's PoV] 

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa may mga nagdadaanang mga taxi. Nandito ako sa terrace ng kwarto ko, just like my old room. Nakakaloka na nga eh, ang kausap ko na lang kasi ay itong halaman na binigay sa akin ni Miku. Namukadkad (nagbloom) na ang bulaklak pero di ko talaga alam ang tawag dito. Kaya okay lang kahit hindi ko knows ang name ng flower na 'to, basta namumulaklak siya. 

I do not know kung bakit ang dami ngayong taxi na dumadaan compare sa mga nakaraang araw, masyado kong napapansin ang ganitong bagay sa panahon ngayon. Nasiraan siguro ng mga kotse ang mga resident dito sa village na ito. 

"Hay!" bumuntong hininga ako, "kailan kaya na si Hubibi naman ang bababa sa taxi. Sana ibalik siya sa akin ng taxi. Sobrang namimiss ko na siya eh." 

Isang buntong hininga ulit. Malapit ng mag-June pero bakit kaya hindi pa ako nakakapag-enroll? Wala bang balak si Lolo na papasukin ako ngayong taon? 

Tapos nawawala pa ang cellphone ko. Hindi ko alam kong namisplace o nawala ko ba talaga. Siguro n'ong nagmall kami ni Julius. Siguro naiwan ko sa Ladies room o kaya sa pinagkainan namin. Hindi ko talaga alam, masyado na akong nagiging makakalimutin. 

Baka nagtext na sa akin si Miku, si Bii at ang DG (dreamguys). 

Wah! Baka isipin nila deads na ako dahil hindi ko sila narereplyan. Omo! Wag naman sana nila akong kalimutan. 

Kailangan kong makita kahit si Bii. Magpapasukan na eh. 

Tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko. Maggagabi na rin kasi. Magbababad na lang ako sa internet, magbabakasakaling online si Miku ko. 

Kakaopen ko lang ng laptop ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko nakasanayang maglock ng pinto. It's good na hindi nagtetrespass si Angel. Baka bigla akong sabunutan nun kapag nalaman niya na ako si Colleen Mae. Init pa naman ng dugo ng babaeng 'yon sa'kin. 

"Miss Allison?" I heard the oh so familiar voice of Julius. (Siya ba naman lagi ang kausap ko. Ewan ko lang kung makalimutan ko pa ang boses niya.) 

"Hmn?" asked ko. Didn't bother to look at him. Nagsasawa na ako sa pagmumukha niya. 

"Want some snack? Napapansin ko lang na medyo konti ka ng kumain ngayong mga nakaraang araw." 

"Ano kasi, nakakatamad kumain pero sige, get me some snacks." ngayon lang ako tinamad kumain. Hay! Hobby ko ang kumain pero lately nawawalan ako ng appetite sa pagkain. Lagi akong mag-isang kumakain dito sa napakaganda kong kulungan, ang kwarto ko. Si Lolo kasi ay may mga lunch meeting kuno, syempre kasama lagi si Julius. 

"Sure," sang-ayon nito. Kailan kaya siya tatanggi sa mga sinasabi ko. I mean, kailan siya hihindi, puro; sure, yes, Miss Allison, alright at marami pang iba. Too many to mention ika nga. 

"Julius?" I called him. Tumingin naman siya. "Hindi ba ako mag-aaral ngayon?" seryoso akong tumingin sa kanya. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon