CHAPTER 01:KETCHUP vs. SUNDAE

9.6K 171 33
                                    

[SON’S POV]

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa ceiling ng room. Hindi mawala wala ang kilig ko at ngiti ko. Sa pagkakatingin ko sa kisame ng room ko ay parang nakikita ko si Hubibi na nakangiti sakin habang kumakanta siya. Akala ko sa pangarap ko lang makikita si Hubibi na kinakantahan ko pero akala ko lang pala yun. Because dreams do come true.

Hayy!! Akala ko hindi ko na mangyayari na malalaman ko ang pangalan niya.

  

Akala ko forever ko na siyang tatawaging Mr. Don’t-know-the-name.

Akala ko lang pala yun.

“Mitchell Kurt Morrison.” Bulong ko sa sarili ko. ang sarap banggitin ng pangalan ng Hubibi ko.

“Mitchell Kurt Morrison.”

 

“Mitchell Kurt Morrison.”

Wahh!! Ang saya saya! Ngayong alam ko na ang pangalan niya. Malaya ko na siyang tawagin. Magagawa ko na siyang tawagin using his name. Magagawa ko na siyang ikwento sa mga taong malalapit sa'kin. Hindi na nila masasabi sakin na imaginary boyfriend ko lang ang Hubibi ko dahil may pangalan na siya.

Nakaplaster na ata ang pagkakangiti sa labi ko. Tumagilid ako sa pagkakahiga habang nakahawak sa dibdib ko. Everytime na naiisip ko si Hubibi automatic bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang saya saya naman eh. Pati puso ko nagdidiwang sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko.

Alam ko naman na totoo lahat ang nangyayari sa'kin pero hindi pa rin ako makapaniwala. Ang tagal ko kayang inintay  na malaman ang pangalan niya pero ngayon hindi lang pangalan ang alam ko dahil nalaman ko rin na may gusto siya sakin.

Napatingin ako sa alarm clock sa may side table ko.

2:15

Hindi talaga ako makatulog sa sobrang saya ko. Umupo ako at tiningnan ang cellphone ko na nakapatong din dun sa may side table ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang magtype ng message.

Calling noname...

Lalo akong napangti sa nabasa ko sa screen ng cellphone ko. Hindi ko na naituloy yung pagtetext ko at sinagot ko na yung call.

“Hello?” nakangiti ako habang kagat kagat ang lower lip ko. kinikilig ako eh. Baka mamaya mapasigaw pa ako sa sobrang kilig. Isipin pa ni Hubibi na baliw ako at baka maturn off sakin.

"Bakit gising ka pa?"

 

“Hindi ako makatulog eh. Bakit ikaw? Hindi ka pa natutulog?” iniisip siguro ako neto. Napangiti naman ako sa naisip ko.

"Wala pa ako sa bahay."

 

“Oh bakit? Nasaan ka?” nasa puso na kasi kita. Natatawa naman ako sa mga naiisp ko! baliw na ako. baliw kay Hubibi KO.

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon