[SON'S POV]
Ang ingay na ng makarating kami sa condo ni Stephen. Nandito na rin sila Bii. Infairness, maingay silang pareho ngayon. Hindi kami napansin na andito na kaya umupo nalang muna kami sa gilid. Haha! Ewan ko sa trip ni Hubibi.
"Hubibi..." bulong ko kay Hubibi. Magkalapit naman kami eh.
"Yes, My Princess?" tanong niya sa akin.
"Are you going to drink?"
"Yes, why?"
"Can I?" tanong ko. Gusto ko eh.
"Sige, pero kapag nahihilo ka na or hindi mo na kaya ay tigil na ha?"
"Oo naman."
"Merry Christmas, Son-baby!" napatingin ako kay Ikey na biglang tumabi sa akin at may ibinibigay sa akin na paper bag.
Kinuha ko naman iyon. "Salamat, Ikey-baby."
"Be careful."
"Snow globe to?" tuwa kong tanong. Kahit nakatanggap na ako ng snow globe ay natutuwa pa rin ako. Ewan ko kung bakit ko nagustuhan ang snow globe ngayon.
"Request mo di ba?"
"Yap." nakangiti kong sagot kay Ikey. Tumingin naman ako kay Miku. "Palagay naman, Hubibi dyan sa tabi. Baka mabasag eh."
Kinuha naman ni Miku yung paper bag at inilagay sa pinakagilid.
"Wait lang," sabi sa ni Miku at pumunta siya sa hindi ko alam.
"You want to drink?" tanong sa akin ni Ikey.
Tumango lang ako at tinanggap ang basa. "Ano to?"
"Red wine lang. Yan lang naafford eh. Haha!" may binasa sa cellphone niya si Ikey. "Wait lang pala." tumayo si Ikey pumunta dun sa pinuntahan ni Miku.
Naiwan akong mag-isa dito sa couch. Hindi pa rin ako napapansin nila Bii. May mga sariling mundo ang bawat isa habang ang lakas lakas ng soundtrip. Madami ding pagkain sa table pero busog pa ako.
Uminom ako nung red wine na binigay sa akin ni Ikey. Sarap naman nun nang matikman ko na, kaya ininom ko na lahat.
"Hey, Son." lumapit sa akin si Alex at umupo sa tabi ko. "Merry Christmas."
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...