[SON'S POV]
Evening.
Naghalo halo na ang pagkain sa lamesa. May pang hapunan at may pang pulutan. Nag-iinom silang dreamguyz, kasama kami. Umiinom din sila Aina, ako lang ang taga pulutan. Ayaw kasi ni Miku. Eh mabait akong girlfriend kaya sumusunod ako. May videoke pa dito sa loob ng cottage. Hindi ko alam kung saan galing yun dahil wala naman yun kanina.
Nagkakantahan na nga sila. Si Miku lang ang hindi. Dito lang siya sa tabi ko at hindi ko talaga hinayang makalapit si Angel. Hindi ko rin siya pinapansin.
"Ladies and gentlemen," tumayo si Landon sa tapat ng videoke, "nakapagkasunduan namin ng ka bromance ko na si Brayden na ang pwede lang kantahin ngayong gabi ito ay yung puro old song. As in yung old song lang. Yung mga kanta na hindi niyo naabutan. Yung mas matanda pa sa inyo."
"Ano na namang kalokohan yan ha? Landon bridge? How we supposed to know that certain kind of song if it is older than us?" epal ni Tim.
"Of course, malalaman nyo yan sa pamamagitan ng pagpili sa songbook." sabi naman ni Brayden at tumawa. Natawa sa sinagot nya.
Inagaw naman ni Landon ang microphone kay Brayden, "Siguro naman naririnig niyo yung mga kinakanta ng mga magulang nyo. Yung mga soundtrip nila. Mga ganun po, ladies and gentlemen. Lahat po ay kakanta. Ang mag.pass sa pagkanta ay tutungga ng isang bote ng beer. Madami tayong stock ng beer kaya yung mga lasengero diyan ay magpakalunod na!"
"Sige, call ako," sang-ayon ni Drew.
"Me too," nagtaas ng kamay si Aina.
Mga singer talaga to. Nakakahiya naman kung ipaparinig ko sa kanila ang boses ko kahit narinig na nila yun nung birthday ng Papa ko.
"Ako din!" nagtaas na din ako ng kamay, nakikijoin lang kahit hindi naman talaga ako kakanta. Yung kamay na nakaholding hands kay Miku. Kaya two points yun.
Tapos nun, sumang-ayon na silang lahat maliban kay Tim.
"Ayoko niyan. Ang pangit ng tripping nyo," nakasimangot na sabi ni Tim.
"Ang pangit mo lang kasing kumanta. Hahaha!" Brayden.
"Sinabi ko bang magaling akong kumanta?" Tim
"Lets start na. Kahit sino pwedeng mauna. Pero noted ang mga kakanta. Kaya ikaw Tim, hindi ka makakalusot." Landon
"Oh bakit ako lang? Ako lang ba ang di marunong kumanta?" Tim
"Oo kaya. Nakalimutan mo ata."
"Okay, let's start na. Landon, ikaw na mauna." si Ikey ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...