[SON'S POV]
Dahil sobrang late na ay si Papa na lang ang naabutan ko sa may sala na naghihintay sa akin.
"Pa.." tawag ko kay Papa na nakatungo. Nakatulog na ata siya.
"Oh? Andyan ka na pala." nagulat pa si Papa. "Nag-enjoy ka ba anak sa dinner date niyo?" tanong ng Papa ko.
"Yes Pa." umupo ako sa tabi ni Papa. "He's very sweet. I actually forgot na special day ngayon namin as boyfriend-girlfriend. Buti na lang at mabait siya at hindi nagalit sa akin."
Ginulo ni Papa ang buhok ko. "Dalaga na talaga ang anak ko. Dalawa na kaming mahal niya na lalaki sa buhay niya."
Sumandal ako sa balikat ni Papa. "Syempre Pa. Ikaw pa rin ang pinakamahal kong lalaki sa buong mundo. Papa kaya kita. Kung hindi dahil sayo, wala sana ako dito sa mundo."
"Ang anak ko talaga. Punta ka na sa kwarto mo and sleep. May pasok ka pa bukas."
Tumayo na ako. "Okay Pa, goodnight." and I kissed Papa on his cheek.
Umakyat na ako at nang makapasok ako room ko ay umupo ako agad sa kama ko, indian seat. Inopen ko na yung gift sa akin ni Miku at hindi na ako nagulat na album yung nakita ko. Pero ang bigat ng album na to.
Tinanggal ko muna yung mga wrapper at itinapon sa may trash bin ko sa may gilid ng kwarto ko. Padapa akong humiga sa kama ko at tiningnan ang alam.
"Bakit kaya nya ako niregaluhan neto? Pupunuin ko ba to ng mga pictures namin? Pero iilan palang mga pictures namin eh," bulong ko.
Inopen ko yung album at nakita ko ang sarili ko. Ang ganda ko pala sa stolen shot kahit ang gulo ng pagkakatali ng buhok ko. Haha!
"The first time I met my Princess. She's pretty, right?" basa ko dun sa note na katabi ng pictures na yun.
Bakit ang sweet ni Miku? He never fail na pakiligin ako sa simpleng ginagawa niya.
The other picture ay nakapila ako sa terminal ng jeep at nakasimangot.
"She's pretty even that she looked tired in the morning."
Haha! Ganun na ba ako kahaggard dati kapag nakikita niya? Tsk! Tsk! Pero nagustuhan niya pa rin ako parang nahihiya tuloy ako sa itsura ko noon. Bara bara nalang kasi eh. Hindi ko naman alam na napapansin niya akala ko hindi niya alam na nag-eexist ako.
Hay! Inaantok na ako. Gusto ko pa tong basahin ang kaso bumibigat na an talukap ng mga mata ko. Madami pa namang pagkakataon eh.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...