[ANGEL'S POV]
Kakarating ko pa lang dito sa bahay ng Lolo ko ng mapansin ko agad si Julius. Himala! Nakita ko siya ngayon. This past few months kasi hindi ko siya nakikita eh. Nagtataka nga ako dahil dapat lagi siyang kasama ni Lolo.
"Julius." tawag ko sa kanya. Papasok siya sa office ng Lolo ko.
Tumingin naman siya sa akin agad. "Why?" suplado netong tanong sa akin.
Sinimangutan ko naman siya. "Bakit ngayon lang kita nakita? Dapat lagi mong kasama si Lolo ah!"
"Confidential, Angel. Hindi naman kasama sa trabaho ko ang magreport sayo."
"About sa company ba ni Lolo? But I don't care about that. Well, nagtataka lang ako kung bakit parang nagkakagulo dito sa bahay? Mga busy ang bawat katulong. May alam ka ba?" mataray kong tanong.
Wala man lang galang tong Julius na to. Angel lang ang tawag sa akin. It was supposedly Miss Angel dahil ako ang napiling gawing officially grand daughter ni Lolo instead of him. Babae kasi ako at nagpapasalamat ako na babae ako.
Magkasama kami dati ni Julius sa bahay ampunan ng maisipan kong tumakas. Ewan ko ba sa Julius na yan kung bakit sumunod sa akin. Mas matanda siya sa akin pero hindi ko siya tinatawag na kuya dahil hindi ko naman siya kapatid. Nagpagala gala kami sa kalsada. Swerte na rin dahil may kasama ako na nakikipag away sa ibang batang kalye. Ang kakapal kasi ng mukha ng mga batang iyon para sabihing tiretoryo nila ang isang parte ng ilalim ng tulay, wala namang mga pangalan nila.
Isang araw ay nang agaw ako ng pagkain ng isang batang babaeng. Nagugutom na ako ng araw na yun. Umiyak ang batang babae at biglang dumating ang mga kapatid at kakilala nung babae. Makikipagsagutan sana ako sa mga batang kalye na yun ng bigla akong hilahin ni Julius. At tumakbo kami habang hinahabol kami ng ibang bata.
"Baliw ka talaga, Angel! Dapat hindi ka nang aagaw ng pagkain. Gusto mo bang mabugbog ng mga batang kalye na yun?" singhal niya sa akin habang tumatakbo kami.
Tumatawid kami papunta sa kabilang kalsada ng mabitawan ko pa ang tinapay na inagaw ko sa batang babae kaya pilit kong hinila ang kamay ko para kunin sana ang tinapay. Nahila ko naman ang kamay ko at nabitawan ni Julius. Tumakbo ako kung saan nahulog ang tinapay at nang dadamputin ko na ay biglang may malakas ng busina akong narinig at nakakasilaw na ilaw.
Nagising nalang ako na nasa hospital na ako at may isang hindi pa katandaang Ginoo ang nagbabantay sa isang tabi.
To make the story short, nagpaampon ako sa matandang nakabunggo sa akin, binangga niya ako eh. Inampon naman ako at tinuring na kanyang apo, swerte para sa akin dati ang pangalan ko dahil ng malaman nya na Colleen Angel ang name ko ay nagustuhan nya agad ako.
Isinabit pa si Julius sa pag-ampon sa akin, nakabuntot ba naman palagi sa akin kaya dapat malaki ang utang na loob sa akin ni Julius pero hindi manlang naisip ng walang hiyang Julius na iyon.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...