CHAPTER 59: ALONE

3K 78 11
                                    

[SON'S POV] 

"Son, tara na. Hatid na kita sa bahay nyo." 

Narinig kong nagsalita si Ikey sa likod ko pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kawalan. May pangiti ngiti pa ako kanina para ipakitang okay lang sa akin na umalis si Miku pero ang totoo ay gusto ko ng humagulhol ng iyak. 

Sobrang layo na nga niya sa akin noong andito siya. Paano nalang ngayon na milya milya na ang layo niya sa akin? 

Oo nga, may mga social networking site kung saan kami pwedeng magkausap at magkita pero mabibigyan niya kaya ako ng time? 

Napahikbi na ako. Basta, hindi ko siya igigive-up hanggang hindi din siya nag-gigive up sa akin. At sana wag siyang mag-give up sa amin.

Naramdaman ko may umakbay sa akin. Nilingon ko kung sino yun at nakita si Ikey na nakatingin lang sa harapan niya. 

"Don't be sad, Son. We are here naman para pasayahin ka. Kapag wala kang makausap just call. Kung hindi ko man masagot agad eh di yung iba naman ang tawagan mo. Basta Son," sabi ni Ikey at nakangiting tumingin sa akin. 

Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko at ngumiti sa kanya, "Salamat Ikey." 

"Tara na. Ihahatid na kita." 

"Pero..." tumingin ako sa paa ko at ginalaw galaw ang daliri nuon. 

"Ano?" nagtatakang tanong niya. 

"Wala kaya akong tsinelas." nakanguso ako sa may paanan ko. 

Tumawa naman si Ikey. 

"Hindi kaya nakakatawa! Paano na ako makakalakad neto? Eh kung masugatan ang paa ko?" pagtataray ko ng konti sa kanya. Para kunwari hindi na ako malungkot. 

"Piggy back, you want?" nakahawak si Ikey sa batok nya na parang nahihiya. 

"Sigurado ka, Key? Mabigat ako." paninigurado ko sa kanya. 

"Oo na," tumalikod siya sa akin at umupo, yung itinukod ang kanang tuhod sa floor. "Sakay na! Ang sama ng tingin kanina sa akin ni Mitch dahil namula ang wrist mo ng dahil sa akin baka mamaya tumalon pa yun sa eroplano kapag nalaman nyang nagkasugat ka sa paa." 

"OA mo, haha! Hindi naman nya malalaman eh. Bawal kaya cellphone dun." lumapit na ako kay Ikey para sumampa sa likod nya ng mapansin ko si Angel na ang sama ng tingin at inirapan pa ako. Si Tim at Stephen naman ay papalapit sa amin. 

"Mauna na ako, Dude, Son. Nakakaantok eh." humihikab na sabi ni Tim. 

"Ingat." nakangiti kong paalam. 

"Alis na rin ako. Nakisabay lang ako sa kotse nya dahil coding yung kotse ko." sabi naman ni Stephen. 

"Babye sa inyo." 

"Sige." sabi lang ni Ikey. 

Si Angel naman ay nagmamartsa na ring umalis kasama nila Tim. 

"Sakay na Son. Nakakangalay baka hindi mo alam," Ikey 

"Oo na nga." sumakay na ako sa likod nya. 

Habang naglalakad si Ikey ay pinagtitinginan kami ng mga tao at halos itago ko na ang mukha ko sa likod ni Ikey. Eh kasi naman, nakakahiya. Masyado na akong napapansin ng mga tao. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon