[SON'S POV]
Beep
Alex: we're here, Son.
Humarap ako kay Bii pagkatapos kong basahin ang text message galing kay Alex. Busy siya sa pag-aayos ng mga sinukat naming dress. Tig-tatlo lang naman ang sinukat namin. Wag daw choosey ngayon dahil wala ng time para magpakachoosey.
"Bii, andyan na daw sa baba sila Alex. Alis na ako wah?"
"Allison.." tumigil si Bii sa ginagawa niya at humarap sa akin.
"Oh?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ko sa kanya.
"Are you really okay?" seryoso niyang tanong. Hindi nya inaalis ang pagkakatingin sa akin.
Napahawak sa bangs ko at hinawi para matanggal sa pagkakatakip sa mata ko. "Oo naman." Napatingin ako sa ibang direction.
Kilalang kilala nya talaga ako. Kahit hindi kami gaanong nagkikita ay napapansin nya pa rin kung masaya o malungkot ako. "Namimiss ko lang si Miku pero okay naman kami dahil nakakausap ko naman siya kahit through skype lang." Totoo naman ang sinabi ko.
"Sure ka bang ipagpapatuloy mo ang relationship mo sa kanya? Hindi biro ang two years na wala siya." Umupo siya sa kama pero nakatingin pa rin sa akin. Parang ineexamin nya ang bawat facial expression ko.
"Oo naman, may tiwala naman ako kay Miku at hindi naman dahilan ang distance sa relationship. Ang mahalaga ay connected pa rin kami sa isa't-isa kahit na miles ang layo nya sa akin. At papatunayan ko na ang long distance relationship ay nagwowork-out."
Napangiti na si Bii. "Nagmamatured ka na, Allison. Maganda yan."
Napansin ko nga sa sarili ko na nagbabago ako ng pakonti-konti. Pero ako pa rin yung dating Princess Allison kahit na dalawa na ang pangalan ko ngayon.
"Sige, Bii. Naghihintay na sa akin yung dalawa kong date eh."
------------------------------------------------------------------------------
Nang makalabas na ako ng gate nila Bii ay nakita kong nakasandal lang sa kotse si Alex. Si Ikey naman ay nasa loob lang.
Nang makita ako ni Alex ay lumapit siya agad sa akin para tulungan ako sa dala ko. Dala ko na ang damit na nagustuhan ko.
"Thank you."
Pumasok na ako sa may bandang passenger seat. Ayoko namang magmukhang driver si Alex.
Lumingon ako kay Ikey sa likod. "Hi, Ikey. Kamusta?"
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...