[Ikey's PoV]
Pinagmamasdan ko kanina pa si Son. Sa unang tingin kasi parang okay siya o walang nagbago sa kanya pero kapag pinagmasdan mo siya lalo na sa mata, makikita mo na wala na yung glow na nakikita ko dati.
I wonder kung ano ang problema nya. Malabo namang si Mitch dahil sabi naman nya ay okay sila.
Si Alex ay parang iba din. Akala ko kanina nag.ooA lang dahil kung makatingin kay Son, alalang alala.
"May problema ba si Son?" tanong ko kay Alex. Kami nalang ang nasa loob ng kotse dahil naihatid na namin sa bahay nila si Son.
"Ha? Problema? Wala naman," sabi ni Alex.
Napabuntong hininga ako. "Meron yan," sabi ko. More on sarili ko ang kinakausap ko. And I think, kailangan kong malaman ang problema niya na yun. Mahilig akong umepal sa problema ng iba. Para may thrill naman ang buhay ko. Ang boring na eh.
Dahil tinatamad ng pumasok si Aldx sa loob ng village kung saan ako nakatira ay ibinaba nalang ako sa labas ng Village, sa may guard.
No choice kaya nagkalad nalang ako. Medyo malayo ang bahay namin pero kaya pa namang lakarin. Bakit naman kasi coding ang kotse ko. Kailangan ko atang magpabili ng isa pang kotse.
I grab my phone in my pocket and started to search the phone number of Son. Tiningnan ko lang yun. Baka mamaya nag-oover react lang pala ako tapos mapahiya pa ako kapag tinawagan ko siya.
Napatingin ako sa kotseng dumaan sa harapan ko at para akong namalikmata. "Son?" parang siya yung nakasakay sa back seat ng kotse. Hindi tinted ang salamin kaya kita ang loob.
Haist! Nakikita ko na tuloy si Son dahil sa pag-iisip ko ng kung anu-ano. Pero teka, kay Julius yung kotse. Kilala ko dahil magkatulad na nga sila ng kotse ni Mitch, kapitbahay ko pa.
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan at malaman kung sino ang nakasakay sa kotse ni Julius.
Nasa tapat na ako ng bahay nila Angel, kung saan nakatira din si Julius pero nakaparada nalang ang kotse. Hindi ko naabutan.
Si Son kaya yun?
Inaraw-araw ko na ang pagbabantay sa labas ng bahay nagbabakasakaling makita ko si Son pero kahit anino ay wala. Si Angel lang ang nakikita ko na paminsan minsang bumibisita. Si Julius naman ay labas pasok din sa bahay.
Hay! Nagmumukha na akong private ditective. Ang gwapo ko siguro kapag naging ditective ako. Muntik ko ng sabihin na mukha akong magnanakaw sa pinaggagawa ko ay ang gwapo ko namang magnanakaw at tsaka ang yama ko para maging magnanakaw.
Siguro nga hindi si Son ang nakita ko at saka ano namang gagawin niya dito ay meron siyang sariling bahay. Mabisita nga siya minsan.
----------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...