[SON’S POV]
Napangiti ako sa mga sinasabi ni Hubibi. Di ko alam na ang dami palang naiisipan na kalokohan si Hubibi para lang makita niya ako o kaya makausap hehe. Kaya naman pala hindi nagsasalita si Noname dahil siguradong makikilala ko siya pero kung siya si Kurt, bakit di ko napansin yung boses niya.
Oo nga pala. Konti lang ang sinabi niya nung nakausap ko siya. Puro ‘K’ nga sagot nun katext ko siya. Kaya di ko naisip na si Hubibi siya. Ang suplado kasi nung pagkakakilala ko kay Kurt.
Oo nga pala! Baka makalimutan ko na naman yung sasabihi ko kay Hubibi. Yung favor remember? Kumibot kibot nag labi ko pero hindi ko nagawang magsalita. Hehe! Nahihiya ako eh. Baka di niya magustuhan. Baka ayaw niyang gawin. Gusto ko lang namang maranasan kung anong feeling nun eh.
Papayag kaya siya?
Sana naman para maranasan ko naman yun. Iniisip ko na kasi na si Hubibi ang magiging asawa ko in the near future kaya wala ng ibang lalaki ang gagawa nun at tsaka gusto ko si Hubibi lang ang gumawa nun. Alam niyo namang malaki ang obsession ko pagdating kay Hubibi. At nakaset na sa utak ko na siya nag magiging asawa ko.
“do you have something to say Princess?” tanong sakin ni Hubibi. Naputo l tuloy ang pag-iisip ko.
“ano--ahmn.. “ di ko masabi! Shocks! Shyness strikes me. Haha! makapg-english lang eh. Nahihiya talaga ako.
“hmmn? What is it?” naghihintay si Hubibi na sabihin ko sa kanya kaso nahihiya talaga ako eh. Shocks naman kasi eh. Ngayon pa inatake ng kahiyaan. Ngayon ko lang kasi nakausap ng ganito katagal si Hubibi.
Tumungo ako, “ano ba tayo?” bulong ko sa kanya. Nahihiya nga kasi ako. kaya di rin ako makatingin sa kanya.
“you don’t know? Isn’t it obvious?” nahihiwagahang tanong ni Hubibi. “I already kissed you two times. So bakit mo naman naisipan na hindi pa tayo? Don’t tell me ayaw mo na sakin pagkatapos nung sinabi ko sayo?”
Napatingin ako kay Hubibi at umuling iling kasama ng kamay ko. “hindi Miku. Nagtatanong lang kasi eh. Kasi ano.. ano kasi..” di ko talaga masabi! My goodness! Kay HUbibi lang ako nahihiya ng ganito.
“ano yun? Do you want something? I already told you na dapat di ka na mahiya di ba?”
“favor?” nahihiya kong sabi kay hubibi.
“what? Anything you want. Just tell me.”
“kahit maghiwalay tayo?” biro ko sa kanya pero di niya ata nagets na binibiro ko siya kasi biglang nawala ang ngiti niya.
“May nasabi ba akong di mo nagustuhan para sabihin yan sakin?” di pa rin siya ngumingiti ng sabihin niya yun.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...