CHAPTER 31: UNEXPLAINABLE FEELINGS

3.1K 99 11
                                    

[SON'S POV] 

Dahil hindi ako makahinga sa pagkakatakip ko ng unan sa ulo ko plus nakadapa pa ako kaya tumiya ako ng pagkakahiga at inihagis ko lang kung saan ang unan ko. 

Tumayo ako at pinatay ko ang ilaw sa kwarto ko. Nagpapaantok na ako para sa panaginip ko nalang ituloy ang pag-iisip kay Miku. Baka sakaling sa panaginip haranahin nya ako. 

Napatingin ako sa may balcony ng room ko. Tumahimik na ata sa katapat naming bahay. Nakakapagtaka dahil parang wala pang ilang kanta ang nakakanta nila. Samantalang dati umaabot sila ng hating gabi. 

Dahil nacurious ako ay pumunta ako sa balcony ng room ko at patagong sinilip yung mga nilalang na nag-iingay kanina kung andun pa sila. Andun pa naman pero tatlo lang sila. Hindi ko masyadong makita ang pagmumukha ng mga nilalang na yun dahil wala akong suot na salamin o contact lenses. 

Pumasok ulit ako sa kwarto ko para kunin ang precious eyeglasses ko na ngayon ko lang ulit masusuot. 

"Ayan, malinaw na." sabi ko sa sarili ko ng maisuot ko na ang salamin. 

Bumalik na ulit ako dun sa balcony. 

"Dude, what na? Itutuloy pa ba natin?" narinig kong sabi nung isang lalaki. Hindi ko pa nakikita dahil umupo lang ako. Baka kasi makita nila ako na naninilip at isipin pa nila na may gusto ako sa isa sa mga yun. Naririnig ko ang usapan nila dahil hindi naman ganun kataas bahay namin. Sakto lang. 

"I don't know. Wala na akong time by next week. Dapat ngayon. Eto kasing lalaking to panira eh!" 

"Di ko naman gusto ang nangyari ah! Kung hindi mo ako isinama eh di sana okay ang lahat." 

Hay! Ganito ko na ba kamiss ang dreamguyz kaya pati yung nag-uusap sa tapat ng bahay namin ay kaboses na nila Ikey-baby? Yung isa kaboses pa ni Miku, my Hubibi. 

"Sinadya mo talaga yun no? Masusuntok talaga kita dyan eh. You ruined the scene!" 

Wah! Kaboses talaga ni Miku ang pinagkaiba lang ay hindi ko pa naririnig magsalita ng ganun si Miku, My Hubibi. 

"Bakit ko naman sasadyain yun? Nagbibigay lang naman ako ng tip! Ang hina kaya ng boses mo nung una at nakakahiya talaga to!" 

"Shut up!" sigaw nung dalawang kasama dun sa nagsalita. 

Dahil likas sakin ang macurious sa lahat ng bagay ay tumayo na ako at sumilip. 

Nanlaki ang mga mata ko. Totally nanlaki. Si Miku, Ikey at Drew yung nasa baba. Akala ko namimiss ko lang ang dreamguyz yun pala, totoong andito sila. 

"Miku, bakit inaaway nyo si Ikey!?" sigaw ko sa kanila. Kawawa naman si Ikey-baby pinagtutulungan nila Miku. May pagka-bad din pala si Miku pero love ko pa rin siya. 

"Oo nga, bakit nyo ako inaaway? Wala naman akong ginagawa ah! Son-baby woh! Pinagtutulungan ako nila. Wag mo na ngang sagutin si Mitch!" sabi ni Ikey na nilakasan ng konti ang boses. 

Natawa ako sa sinabi ni Ikey. Never ko siyang susundin. "Baliw ka talaga, Ikey. Haha!" 

"Gustong gusto naman!" sabi ni Miku kay Ikey at nag-akmang susuntukin si Ikey. Medyo badtrip nga siya. Bakit kaya? 

"Son-baby, baba ka nga at baka bugbugin ako ng dalawa." sabi sakin ni Ikey. 

"Wait lang." umalis na ako dun sa balcony at nagmamadali ng bumaba. Nakita ko pa sila Mama at Papa sa may sala na nanonood ng tv. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon