[IKEY'S POV]
Hindi na ako sumama kay Mitch papunta kila Allison. Makakaistorbo lang ako sa kanila.
"Hi, Kurt!" bati ni Angel ng malapit na si Mitch kay Angel at hindi siya manlang napansin ni Mitch.
Napailing-iling ako. Kawawang nilalang. Nasa harapan na si Son kaya kahit maglupasay pa sa harapan ni Mitch si Angel ay hindi pa rin siya mapapansin.
Nagpapadyak na naglakad papalapit sakin si Angel habang nakasimangot.
"Si Aina?" tanong niya sakin ng pasigaw.
Nilagay ko sa magkabilang bulsa ng shorts ang kamay ko na at naglakad na papalayo kay Angel. Pasipol sipol pa ako.
"Ikey! Ugh!" sigaw nya pa pero di ko pinansin. I scratch my ear. Ang sakit talaga sa tenga ng boses nya. Ang mean ko sa kanya noh? I just don't like her at ganyan ako kapag hindi ko gusto ang paguugali ng isang tao kahit pinsan ko pa siya.
Pumunta ako kila Tim at Stephen na nakatambay sa tabing dagat habang may malaking payong na nakatusok sa buhangin. Nakahiga sila dun at nagsasight seeing ng mga bikini babes.
No doubt, lalaki pa rin si Stephen kaya ganyang makatingin sa mga nakabikining mga chika babes. Si Tim, ganyan talaga yan. Parang hinuhuburan na ang mga babaeng nakikita. Kanina lang nagkukwento siya sa girlfriend niya daw tapos ngayon parang nakalimutan na niya.
Woh! Sarap talagang tumira sa ganitong resorts.
"Ganda ng pwesto ah!" bati ko sa kanila at tumayo ako sa harapan nila at sinigurado kong matatakpan yung mga chika babes na tinitingnan nila.
Itinaas ni Tim ang salamin nya at tumingin sakin, "Kailangang pumili ng magandang spot kung saan mabubusog ang mga mata ko."
"Hoy, Ikey! Tumabi ka nga dyan!" sigaw ni Stephen na nagkakandahaba ang leeg.
"Masyado naman kayong paobvious dyan. Bakit di nyo na lang lapitan?"
"Later na, titingnan muna namin kung pasok sila sa taste namin." Tim
"Tsk! Tsk! Tsk!" napapailing ako na naglakad papalayo sa kanila at papalapit naman dun sa grupo ng mga sexy babes. Tumingin ako kila Tim at Stephen at tumingin ng this-is-the-right-move-look.
May nakita ako na nakaupo lang at nag-iisa habang nakatingin dun sa mga grupo ng mga kababaihan. Tinabihan ko yun.
"Waiting for someone?" tanong ko.
Napatingin siya sakin at nagulat.
"Eh?"
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...