CHAPTER 73: DUTY

3.1K 64 9
                                    

[Angel's PoV]

Nakakainis! Gusto kong sumigaw dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Dumagdag pa ang tatanga tangang katulong na iyon! Hindi nag-iingat, kung alam lang niya kung gaano kamahal ng vase na yun!

"Ahh!" sigaw ko kasabay ng paghagis ng mga unan sa kama ko. "Sino ka bang Colleen Mae ka! Hindi pa kita nakikilala pero gusto na kitang patayin!" naiinis kong sigaw.

Pero, natigilan ako ng marealize ko ang naisigaw ko. Aabot ba ako sa ganun? Napaupo ako sa kama ko.

Pero... Sa tuwing naiisip ko kung gaano kaganda ang kwarto na iyon ay bumabangon ang inis, galit, inggit, ah! Basta! Halo halong emosyon na parang hindi na makakaya ng dibdib ko.

Basta! Alam ko, andito na si Colleen. Obvious naman sa kwarto niya, hindi amoy ng mga kagamitang hindi nagagamit.

Speaking of smell, familiar yung amoy eh. Hindi ko lang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng ganung perfume. Pero, sigurado ako na kilala ko ang nagmamay-ari ng ganung amoy.

Whoever that Bitch, na may balak agawin ang lahat ng sa akin. Hinding hindi siya makakatagal sa Mansyon na ito. Hindi ko siya papaalisin pero pinapangako ko na siya mismo ang magkukusang mag-empaki ng kanyang mga gamit. Baka nga tulungan ko pa siya eh.

Pabagsak akong umupo sa kama at diretso ang tingin sa kisame. Dapat kasama ko ang mga friends ko ngayon pero hindi ako pinayagan ni Lolo. At alam kong dahil iyon sa babaeng iyon!

Ugh! She's pain in the ass!

"You can call me, Mr. Austria, if she doesn't feel good other than headache."

Napatingin ako sa medyo nakaawang na pinto ng kwarto ko. Lumapit ako duon para pakinggan kung sino at ano ang pinag-uusapan.

Hindi ako tsismosa pero kapag andito ako sa Mansyon, lahat ng conversation ay mahalaga.

"The headache is natural in her case dahil parang pinipiga ang kanyang utak dahil sa mga naghahalong memory. But then, it's good thing dahil maaalala na niya ang lahat."

Ha? Naguluhan ako. Sino ang pinag-uusapan nila? Maaalala? Amnesia lang ang peg?

"Maliban nalang kung nagkatrauma si Miss Colleen due to accident. She's young at that time kaya hindi iyon possible."

Ow! Napangiti ako. Interesting naman ang Colleen na iyan! I wish hindi na siya makaalala para mabuhay siya sa nakilala niyang siya.

"That's one of the reason kung bakit hindi niya pa naalala lahat kahit pa maraming times na niyang nakita ang isang pangyayari. Baka ayaw niya talaga iyong maalala."

"Thank you, Doc. I have already plan to make her remember everything," narinig kong sabi ni Lolo.

Napaismid naman ako. At gagawin ko naman ang lahat para hindi niya iyon maalala.

Nagpaalam na ang Doctor ng lumabas si Julius sa kwarto ni Colleen Mae. Sinamahan ni Julius ito.

Padabog ko namang isinara ang pinto ng kwarto ko.

I need to think. Hindi pwedeng basta basta nalang akong susugod ng gyera dahil baka ako ang mapatalsik sa bahay na ito.

--------------------------------------------------------------------------

[Julius's PoV]

"How's Colleen?" tanong sa akin ni Chairman.

"I think she's already fine. She's talking to her boyfriend when I left her," paliwanag ko. Ayokong magtago ng sikreto kay Chairman.

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon