[Son’s PoV]
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang tao na nakaputi kausap si Lolo. Medyo inaantok pa ako kaya hindi ko iyon naintindihan. Umalis na iyong nakaputi matapos magpaalam kay Lolo.
Bumangon ako at nang makita ni Lolo na bumangon ako ay lumapit siya sa akin.
“Apo, are you alright?” tanong nito at umupo siya sa upuan na katabi ng kama ko. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Ngumiti ako. “Okay na po ako, ‘Lo. Nagugutom po ako.”
“Nagpapakuha na ako ng meal para sa iyo. Pero feeling well ka na?” tanong pa nito at hinawakan ako sa kamay.
Tumango ako. “Okay lang po. Medyo sanay na ako sa mga nangyayari sa akin. At tsaka kapag naalala ko na naman ang lahat ng nakaraan ko ay magiging okay na naman po ako, di ba?”
“As the Doctor said earlier, baka nagkatrauma ka daw when you met the accident fifteen years ago kaya ganyan ang effect sayo. But then, magiging okay naman daw ang lahat.”
Napatango naman ako. Doctore pala yung nakita ko kanina, kaya pala nakaputi. Napahinga nalang ako ng malalim, “sana nga po.” Tumawa ako ng mahina, para pagaanin ang nararamdaman ko, “medyo nakakapagod na po kasi tong situation ko.”
“Are you having a hard time, now that Angel is here?” pag-iiba niya ng usapan at mas bumakas pa sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.
“Konti lang po. Oo pala, ‘Lo,” naalala ko yung katulong kanina, “ano na po ang nangyari dun sa katulong na sinabunutan ni Angel? Okay na po ba siya?”
“She’s alright. What happened ba?”
“Nasagi ko po kasi yung vase tapos sabay dating ni Angel kaya nagtago muna ako. Tapos po yun, si... yung katulong ang napagbintangan ni Angel.” Hindi ko alam ang mga pangalan ng katulong. SI Beth lang ang kakilala ko dahil siya lang ang pwedeng pumasok sa kwarto ko.
“Okay, I’ll talk to Angel to not do that again,” tumayo si Lolo, “I’ll go na at kailangan mo pang magpahinga.” He gave me a kissed on my forehead.
“Sige po, Lolo. Good night,” nakangiti kong paalam. Nakatulog na kasi ako kaya feeling better na ako.
Lumabas na si Lolo at naiwan ako sa kwarto ko. Hay! Humiga ulit ko. Ang tagal ng pagkain ko. Ano na bang oras at parang gutom na gutom ako? Tumagilid lang ako sa pagkakahiga at tiningnan ang oras sa wall clock.
Hala! Napabangon ako bigla nang Makita ko ang orasan. It’s ten fourty five in the evening! Ganun ba ako katagal natulog?
Bumangon na ako ng tuluyan at kinuha ko ang laptop. Ang tagal namang mag-on ng laptop ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romantizm[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...