CHAPTER 27: DREAM OR NIGHTMARE PART 2

3.3K 86 5
                                    

[SON'S POV] 

“I think about it baby. You take a sit na.” once again the Daddy look at his daughter na umupo na.

“Daddy may kotse!” biglang sigaw nung Mommy niya habang nakaturo sa paparating na kotse na out of lane.

Biglang naikabig nung Daddy niya yung manibela upang maiwasan yung kotse na paparating.

“Si Colleen!!” sigaw nung Daddy niya sa Mommy at parang natauhan yung Mommy sa pagkabigla kaya nagmamadali siyang pumunta sa anak niya at niyakap niya iyon.

Nagsimula nang maramdaman nung bata na nasa panganib sila kaya napaiyak na siya.

“calm down Baby. Daddy will take care of us.” Umiiyak na rin na sabi nung Mommy sa bata habang hinihimas yung likod nung bata para kumalma.

Sa pagkabig ni Daddy ng kotse ay hindi niya napansin yung dalawang kotse sa likuran nila na mabilis din ang takbo na naimuno ay nagkakarerahan. Huli na para magpreno nung isang kotse sa likuran nila kaya nabunggo iyong likuran ng kotse na naging dahilan para napasadsad yung koste sa may barrier.

Nabasag yung salamin unahan nung kotse sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa may barrier at sa likuran ng kotse na naging dahilan para mawalan ng malay ang Daddy.

Sa pagkabig driver sa manibela nung ikalawang kotse ay napabunggo yung kotse sa may tagiliran nung kotse ng pamilya na naging dahilan para mabitawan nung Mommy yung anak niya sa lakas ng impact sa may bandang likuran niya.

Luhaang nakatingin sa anak niya yung Mommy habang unti unti niyang nabibitawan ang anak niya.

“Colleen.” Mahinang tawag ng Mommy niya dun sa bata hanggang sa mawalan siya ng malay.

“Mommy!!” umiiyak na sigaw nung bata. Lumapit siya dun sa Mommy niya at ginigising iyon. “Mommy! Mommy! Please wake up! Mommy!!huwaahhh!!” sigaw niya habang umiiyak.

Napatingin sa unahan yung bata at nakita niya yung Daddy niya na walang malay at tumutulo ang dugo sa may ulo niya.

“Daddyyyy!!!!!” sigaw nung bata pero hindi siya nililingon ng kanyang Daddy.

"Daddy! Mommy!" patuloy ang pag-iyak ng batang babae.

Gumalaw-galaw ang daliri ng kamay ng Daddy ng batang babae. Pinilit nitong gumalaw pero hindi nya kaya. Iminulat niya ang kanyang mata at nakita nya ang anak nyang umiiyak sa likod ng kotse habang yakap yakap ang paborito netong stuffed toy. 

Nang mapatingin siya sa kanyang tabi ay nakita nya ang asawa nya na walang malay habang puno ng nabasag na salamin ang mukha neto. Gusto nyang lapitan ang kanyang asawa at anak pero wala siyang maagawa. Ni hindi nya maibuka ang bibig nya para patahanin ang anak nya at sabihing okay lang ang lahat. 

"Daddy! Mommy!" lumapit ang batang babae sa Mommy nya at niyakap ito. "Wake up Mommy, I am so scared. Mommy! Please!" 

Napaluha na ang Daddy nya. 

"B-b-ba-baby..." hirap na hirap sa pagsasalita ang Daddy ng bata. 

Napalingon sa kanya ang bata. 

"Daddy! You're awake!" nakangiting sabi nya kahit puno ng luha ang mukha nya. Yumakap ang bata sa Daddy nya. 

Magsasalita sana ang Daddy ng may sapilitang nagbukas ng pinto ng kotse. Isang lalaki na nasa thirties' ang nagbukas nun. 

"m-my b-b-ba-baby, c-can y-you ple--" nawalan na ng malay ang Daddy. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon