[Son's PoV]
Nagising ako ng dahil sa pagriring ng phone ko. Minulat ko ang isang mata ko para makita kung anong oras na.
7:15
Ang aga naman ng tumatawag. Si Angel lang naman ang kadalasang tumatawag sa'kin pero alam ko mas naghihilik pa 'yon sa'kin kapag ganitong oras.
I am half sleep na umupo sa kama ko at kinuha ang phone na patuloy na nagriring na nakapatong sa bedside table.
"Hello?" inaantok kong sagot. Napahiga pa tuloy ulit ako habang nakadikit sa may bandang tenga ko ang cellphone.
"Good morning, Son."
"Sino ka?" wala na sa'king tumatawag na Son sa panahon ngayon.
"Ikey."
Parang mabilis pa sa pagkainstant na nagising ako ng marinig ko ang pangakang Ikey.
"Ikey? You're Ikey? Ikey-baby?"
Narinig kong tumawa si Ikey sa kabilang line. "Yap. Ikey at your service, Madame."
Napangiti ako. "Bakit ka napatawag?"
"Mitch called me last night. He wants to meet you on Friday at--"
"Wait," putol ko sa sinasabi niya. Totoo ba ang narinig ko?
"Why Son?"
"Totoo bang tumawag sa'yo si Miku and he wants to see me?" pagcoconfirm.
Tumahik pansamantala sa kabilang line. "Yeah. He wants to talk to you."
Napangiti ako. Tama talaga ako. Hindi niya kinalimutan kahit nawalan kami ng communication.
"Can you please text me nalang when and where? Baka makalimutan ko eh."
"Sure. I'll text it to you."
"Salamat, Ikey. Excited na akong makita ulit si Miku. Sobrang namimiss ko na siya eh. Thank you talaga, Ikey-baby."
"Son-baby?" narinig kong tawag sa'kin ni Ikey.
"Hmn?" nakangiti kong tanong kahit hindi naman niya nakikita. Ang puso ko ay lubos na nagsasaya sa magandang balita ni Ikey. Ngayon ko lang ulit naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko, katulad nitong nararamdaman.
"Whatever happen, you can call me, okay? Kahit nasa kalagitnaan ako ng meeting ay paniguradong I'll answer your call. Kung kailangan mo ng kausap o makakasama. Andito lang ako. Tawagan mo lang ako and I'll definitely go after you."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ikey. Kaya may part sa puso ko ang piliin ang pagiging Princess Allison ay dahil sa mga kaibigang katulad ni Ikey. "Salamat, Ikey. Salamat."
"Sure, basta ikaw, Son. I'll hung up na, okay? Tumawag lang ako para sabihin iyon sa'yo. I'll text you the info after this call."
"Okay, Ikey-baby. Thanks."
After ng call ay natanggap ko na kung saan at kailan kami magkikita ni Miku. Sa friday pa pala kami magkikita ni Miku.
What? Oh my ghad! Sa friday? So soon?
Napangiti naman ako. Ang OA lang ng reaction ko.
Pumunta ako sa calendar ng phone at tiningnan kung anong date sa friday.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...