CHAPTER 69: HIDE & SEEK

2.9K 57 3
                                    

[Son's PoV]

Nang matapos ang party ay nagpaalam na agad ako kay Bii at sa mga dreamguyz. I feel emotionaly and mentally exhausted. Sobrang pagod ang nararamdan ko dahil sa mga flashback. I'll just ask Lolo na lang about sa naalala ko kung totoo ba yung nangyari o hindi. 

"Not feelin' well, Miss Allison?" 

"Ouhmn," umungol lang ako para sabing oo. Ipinikit ko ang mga mata ko. Parang ang bigat bigat ng mga talukap ng mga mata ko kaya hinayaan ko muna ang sarili ko na umidlip. 

"Sleep for a while, Miss Allison. I'll just wake you up if we got home," narinig ko pang sabi ni Julius pero hindi na ako sumagot. 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagtalukbong ako dahil gusto ko pang matulog. Bakit naman kasi dito pa ang kwarto ko eh. Sana dun nalang sa kwarto na hindi nasisinagan ng araw kapag umaga. Ang sarap pang matulog sa kama ko eh. 

Natigilan ako.

Kama? Napabangon ako at nakita ko na nasa kwarto ko ako. Parang hindi ko naalalang pumunta ako sa kwarto ko. Paano ako napunta dito? Ang naalala ko lang ay umidlip ako sa kotse. 

"Oh? Paano ako napunta dito? Sleep walking?" napapaisip naman ako. At dahil duon ay nawala ang antok ko. 

Bumangon na ako ng tuluyan at nag-ayos na ng sarili. Naligo ako at nagsuot ng pambahay na damit galing sa maleta ko. Mag-iisang buwan na ako dito pero ang mga gamit ko ay nasa maleta ko pa rin. Hindi ko tinatanggal iyon at hinihintay ko pa rin sila Papa na sunduin ako. Hindi ko rin ginagamit ang mga damit ni Colleen Mae. Halatang mga bagong bili lang ang mga iyon.

Lumabas na ako at nang nasa hagdan ako ay may nakita akong maid. Tumakbo ako pababa ng hagdan para makapagtanong kay Beth, name ng maid na iyon. 

"Beth!" sigaw ko para tumigil siya sa paglalakad. 

Tumigil naman siya at tumingin sa akin, "Good morning po, Miss Colleen." 

Humihingal ako na tumigil sa harap niya. Nakahawak pa ako sa dibdib. Ang agang exercise ng hagdan ng Mansyon na to. Colleen ang tawag sa akin ng mga katulong para kapag naligaw dito si Angel ay hindi niya malalaman na ako iyon. "Good morning, sino ba... Ba ang naglilinis ng kwarto ko?" humihingal kong tanong. 

"Ako po, Miss Colleen. Bakit po?" nakangiti nitong tanong. 

"May nakita ka bang halaman sa paso? Hindi ko makita eh." 

"Opo, Miss Colleen. Nakalimutan ko lang pong sabihin sa inyo nung isang araw. Medyo nalalanta na po kasi kaya inilabas ko muna para madiligan at masikatan ng araw." 

Oo nga, nakalimutan kong alagan ng mabuti ang baby nami ni Miku. Ang sama kon Mommy. "Nasaan na? Importante kasi yun eh." 

"Nasa garden po. Isinama ko po sa mga halaman dun." 

"Ano!?" napasigaw ako sa pagkagulat. Hindi ko ganun kakilala ang baby namin ni Miku. Hala naman! Hindi ko nga alam kung anong halaman iyon. 

"Natatandaan mo ba kung saan dun? Naalala mo ba kung alin yung sa akin?" 

Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi po, Miss Colleen. Makakalimutin po ako at wala po akong alam sa halaman pero isinama ko po siya sa mga katulad niya, base sa pagkakakita ko. Basta po nasa garden yun. Sige po, Miss Colleen. Kailangan ko pa pong maglinis ng pool," paalam nito at umalis ni siya. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon